Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 26:6-10

Mateo 26:6-10 ASD

Habang si Hesus ay nasa Betania, sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat, lumapit sa kanya ang isang babae. May dala itong mamahaling pabangong nasa sisidlang alabastro. At habang kumakain si Hesus, ibinuhos ng babae ang pabango sa ulo ni Hesus. Nagalit ang mga alagad ni Hesus nang makita ito. Sinabi nila, “Bakit niya sinasayang ang pabangong iyan? Maibebenta sana ʼyan sa malaking halaga, at maibibigay ang pera sa mga mahihirap.” Ngunit alam ni Hesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ginugulo ang babae? Mabuti ang ginawa niyang ito sa akin.