Mateo 26:6-10
Mateo 26:6-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nasa Bethania noon si Jesus, sa bahay ni Simon na ketongin. Lumapit sa kanya ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng napakamahal na pabango. Ibinuhos ito sa ulo ni Jesus habang siya'y kumakain. Nagalit ang mga alagad nang makita ito. “Bakit inaksaya ang pabango?” tanong nila. “Naipagbili sana iyon sa malaking halaga at naibigay sa mga mahihirap ang pinagbilhan!” Alam ito ni Jesus kaya't sinabi niya, “Bakit ninyo minamasama ang ginagawa niya? Isang mabuting bagay ang ginawa niyang ito sa akin.
Mateo 26:6-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Habang si Hesus ay nasa Betania, sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat, lumapit sa kanya ang isang babae. May dala itong mamahaling pabangong nasa sisidlang alabastro. At habang kumakain si Hesus, ibinuhos ng babae ang pabango sa ulo ni Hesus. Nagalit ang mga alagad ni Hesus nang makita ito. Sinabi nila, “Bakit niya sinasayang ang pabangong iyan? Maibebenta sana ʼyan sa malaking halaga, at maibibigay ang pera sa mga mahihirap.” Ngunit alam ni Hesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ginugulo ang babae? Mabuti ang ginawa niyang ito sa akin.
Mateo 26:6-10 Ang Biblia (TLAB)
Nang nasa Betania nga si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin, Ay lumapit sa kaniya ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro ng unguento na lubhang mahalaga, at ibinuhos sa kaniyang ulo, samantalang siya'y nakaupo sa pagkain. Datapuwa't nang makita ito ng mga alagad, ay nangagalit sila, na nangagsasabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito? Sapagka't ito'y maipagbibili sa malaking halaga, at maibibigay sa mga dukha. Datapuwa't nang mahalata ito ni Jesus ay sinabi sa kanila, Bakit ninyo binabagabag ang babae? sapagka't gumawa siya sa akin ng mabuting gawa.
Mateo 26:6-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nasa Bethania noon si Jesus, sa bahay ni Simon na ketongin. Lumapit sa kanya ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng napakamahal na pabango. Ibinuhos ito sa ulo ni Jesus habang siya'y kumakain. Nagalit ang mga alagad nang makita ito. “Bakit inaksaya ang pabango?” tanong nila. “Naipagbili sana iyon sa malaking halaga at naibigay sa mga mahihirap ang pinagbilhan!” Alam ito ni Jesus kaya't sinabi niya, “Bakit ninyo minamasama ang ginagawa niya? Isang mabuting bagay ang ginawa niyang ito sa akin.
Mateo 26:6-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)