Mamamayan ng Israel, pakinggan nʼyo ang sinasabi ng PANGINOON. Ito ang sinasabi PANGINOON: “Huwag ninyong tutularan ang pag-uugali ng mga tao sa ibang mga bansa na naghahanap ng mga tanda sa kalawakan. Huwag kayong matakot sa mga ganyang tanda kahit na ang mga tao sa ibang bansa ay takot sa mga tandang iyan. Walang kabuluhan ang kaugalian ng mga taong iyon. Pumuputol sila ng puno sa gubat at pinapaukitan nila sa mahuhusay na mang-uukit. Pagkatapos, pinapalamutian nila ng pilak at ginto, at pinapakuan ng mabuti upang hindi matumba. Ang mga diyos-diyosang itoʼy parang taong panakot ng ibon sa bukid na hindi nakakapagsalita. Kailangan pa itong buhatin dahil hindi ito nakakalakad. Huwag kayong matakot sa mga diyos-diyosang ito dahil hindi sila makakagawa ng masama at hindi rin makakagawa ng mabuti.” O PANGINOON, kayoʼy walang katulad. Kayo ay makapangyarihan at dakila ang pangalan. Sino po ang hindi matatakot sa inyo, O Hari ng mga bansa? Karapat-dapat lang na kayo ay igalang. Sa lahat ng matatalinong hari ng mga bansa, at sa kanilang mga kaharian, walang sinuman ang katulad ninyo. Silang lahat ay mga mangmang at mga hangal. Ang katuruang mula sa mga diyos-diyosang gawa sa kahoy ay walang kabuluhan. Ang pinanday na pilak na galing sa Tarsis at ang gintong galing sa Upaz ay ginawang diyos-diyosan ng mga panday at mga platero, pagkatapos ay binihisan ng damit na asul at kulay ube; lahat ay gawa ng mga dalubhasang manggagawa. Ngunit ang PANGINOON ang tunay na Diyos. Siya ang Diyos na buháy at walang hanggang Hari. Kapag siyaʼy nagagalit, nayayanig ang daigdig, at walang bansa na makatatagal sa tindi ng kanyang galit.
Basahin Jeremias 10
Makinig sa Jeremias 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Jeremias 10:1-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas