Jeremias 10:1-10
Jeremias 10:1-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga anak ni Israel, pakinggan ninyo ang ipinapasabi ni Yahweh. Ang sabi niya, “Huwag ninyong tutularan ang ginagawa ng ibang mga bansa; o mabahala sa nakikitang mga tanda sa kalangitan, na labis nilang kinatatakutan. Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan. Isang punongkahoy na pinutol sa gubat, inanyuan ng mga dalubhasang kamay, at pinalamutian ng ginto at pilak. Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal. Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid, hindi nakakapagsalita; pinapasan pa sila sapagkat hindi nakakalakad. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat hindi sila makakagawa ng masama, at wala ring magagawang mabuti.” Wala nang ibang tulad mo, O Yahweh; ikaw ay makapangyarihan, walang kasindakila ang iyong pangalan. Sino ang hindi matatakot sa iyo, ikaw na Hari ng lahat ng bansa? Karapat-dapat lamang na ikaw ay katakutan. Kahit na piliin ang lahat ng matatalino mula sa lahat ng bansa at mga kaharian, wala pa ring makakatulad sa iyo. Silang lahat ay pawang hangal at mangmang. Ano ang maituturo sa kanila ng mga diyus-diyosang kahoy? Ang kanilang diyus-diyosa'y binalutan ng pilak na galing sa Tarsis, at ng gintong mula sa Upaz, ginawang lahat ng mahuhusay na kamay; pagkatapos ay binihisan ng kulay ube at pula na hinabi naman ng manghahabing sanay. Ngunit ikaw, Yahweh, ang tunay na Diyos, ikaw ang Diyos na buháy, at ang Haring walang hanggan. Nayayanig ang daigdig kapag ikaw ay nagagalit, at walang bansang makakatagal sa tindi ng iyong poot.
Jeremias 10:1-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mamamayan ng Israel, pakinggan nʼyo ang sinasabi ng PANGINOON. Ito ang sinasabi PANGINOON: “Huwag ninyong tutularan ang pag-uugali ng mga tao sa ibang mga bansa na naghahanap ng mga tanda sa kalawakan. Huwag kayong matakot sa mga ganyang tanda kahit na ang mga tao sa ibang bansa ay takot sa mga tandang iyan. Walang kabuluhan ang kaugalian ng mga taong iyon. Pumuputol sila ng puno sa gubat at pinapaukitan nila sa mahuhusay na mang-uukit. Pagkatapos, pinapalamutian nila ng pilak at ginto, at pinapakuan ng mabuti upang hindi matumba. Ang mga diyos-diyosang itoʼy parang taong panakot ng ibon sa bukid na hindi nakakapagsalita. Kailangan pa itong buhatin dahil hindi ito nakakalakad. Huwag kayong matakot sa mga diyos-diyosang ito dahil hindi sila makakagawa ng masama at hindi rin makakagawa ng mabuti.” O PANGINOON, kayoʼy walang katulad. Kayo ay makapangyarihan at dakila ang pangalan. Sino po ang hindi matatakot sa inyo, O Hari ng mga bansa? Karapat-dapat lang na kayo ay igalang. Sa lahat ng matatalinong hari ng mga bansa, at sa kanilang mga kaharian, walang sinuman ang katulad ninyo. Silang lahat ay mga mangmang at mga hangal. Ang katuruang mula sa mga diyos-diyosang gawa sa kahoy ay walang kabuluhan. Ang pinanday na pilak na galing sa Tarsis at ang gintong galing sa Upaz ay ginawang diyos-diyosan ng mga panday at mga platero, pagkatapos ay binihisan ng damit na asul at kulay ube; lahat ay gawa ng mga dalubhasang manggagawa. Ngunit ang PANGINOON ang tunay na Diyos. Siya ang Diyos na buháy at walang hanggang Hari. Kapag siyaʼy nagagalit, nayayanig ang daigdig, at walang bansa na makatatagal sa tindi ng kanyang galit.
Jeremias 10:1-10 Ang Biblia (TLAB)
Inyong dinggin ang salita na sinasalita ng Panginoon sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel. Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa, at huwag kayong manganglupaypay sa mga tanda ng langit; sapagka't ang mga bansa ay nanganglulupaypay sa mga yaon. Sapagka't ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan: sapagka't may pumuputol ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol. Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag makilos. Sila'y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka't hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka't hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti. Walang gaya mo, Oh Panginoon; ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kapangyarihan. Sinong hindi matatakot sa iyo, Oh Hari ng mga bansa? sapagka't sa iyo nauukol; palibhasa'y sa gitna ng lahat ng pantas sa mga bansa, at sa lahat nilang kaharian, ay walang gaya mo. Kundi sila'y pawang tampalasan at hangal turo ng mga dios-diosan, yao'y kahoy lamang. May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; azul at kulay ube ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa. Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit.
Jeremias 10:1-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga anak ni Israel, pakinggan ninyo ang ipinapasabi ni Yahweh. Ang sabi niya, “Huwag ninyong tutularan ang ginagawa ng ibang mga bansa; o mabahala sa nakikitang mga tanda sa kalangitan, na labis nilang kinatatakutan. Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan. Isang punongkahoy na pinutol sa gubat, inanyuan ng mga dalubhasang kamay, at pinalamutian ng ginto at pilak. Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal. Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid, hindi nakakapagsalita; pinapasan pa sila sapagkat hindi nakakalakad. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat hindi sila makakagawa ng masama, at wala ring magagawang mabuti.” Wala nang ibang tulad mo, O Yahweh; ikaw ay makapangyarihan, walang kasindakila ang iyong pangalan. Sino ang hindi matatakot sa iyo, ikaw na Hari ng lahat ng bansa? Karapat-dapat lamang na ikaw ay katakutan. Kahit na piliin ang lahat ng matatalino mula sa lahat ng bansa at mga kaharian, wala pa ring makakatulad sa iyo. Silang lahat ay pawang hangal at mangmang. Ano ang maituturo sa kanila ng mga diyus-diyosang kahoy? Ang kanilang diyus-diyosa'y binalutan ng pilak na galing sa Tarsis, at ng gintong mula sa Upaz, ginawang lahat ng mahuhusay na kamay; pagkatapos ay binihisan ng kulay ube at pula na hinabi naman ng manghahabing sanay. Ngunit ikaw, Yahweh, ang tunay na Diyos, ikaw ang Diyos na buháy, at ang Haring walang hanggan. Nayayanig ang daigdig kapag ikaw ay nagagalit, at walang bansang makakatagal sa tindi ng iyong poot.
Jeremias 10:1-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)