Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 2:24-28

Mga Gawa 2:24-28 ASD

Ngunit pinalaya siya ng Diyos sa pagdurusa at muling binuhay, dahil ang totoo, kahit ang gapos ng kamatayan ay hindi siya kayang pigilan. Ito ang sinabi ni David patungkol sa kanya: ‘Alam kong ang Panginoon ay palagi kong kasama at hindi niya ako pinapabayaan, kaya hindi ako nangangamba. Kaya ang puso koʼy nagagalak, at hindi mapigil ang aking pagpupuri sa Diyos. At ang katawan koʼy mahihimlay na may pag-asa. Sapagkat alam ko pong hindi nʼyo ako pababayaan sa mundo ng mga patay. Hindi nʼyo rin hahayaang mabulok ang inyong Banal na Lingkod. Itinuro nʼyo sa akin ang landas patungo sa buhay, at dahil kayo ay palagi kong kasama, lubos ang aking kaligayahan.’