Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103Sample

As high as the heavens… ☁️
Kumusta ka ngayon? Nasasanay ka na bang isipin ang mga kabutihan ng Panginoon sa iyo? Alam naming hindi laging madali mag-isip ng mga magagandang bagay, lalo na kapag may mga hindi magagandang nangyayari sa ating buhay.
Halimbawa, noong panahong gumagamit kami ng Thank You Book—yung maliit na booklet kung saan gumuguhit kami bawat araw ng one thing we are thankful for—our original intent was to teach our son to be thankful. Pero napansin din naming pati kaming mag-asawa’y nahirapan din minsan mag-isip ng kahit isang bagay! Mabuti na lang binigyan tayo ng Panginoon ng mga awit tulad nito kung saan nakasaad ang mga kabutihang Kanyang ginagawa sa atin.
Halika’t ipagpatuloy natin ang pagbabasa ng Psalm 103 at lalo pang lalaki ang ating paningin sa Kanyang kabutihan. Let’s read this aloud:
Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa,
ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya.
Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran,
ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan. (Salmo 103:11-12 ASND)
Let’s pause for a few minutes. Pumunta ka sa bintana o sa labas ng bahay. Tingnan mo kung gaano kataas ang langit. Can you imagine that this is how high the Lord’s love is? At lumingon ka sa kaliwa’t kanan mo, kung gaano kalayo iyon hanggang sa pinakadulo ng mundo—ganoon pala kalayo ang pagtanggal Niya ng mga kasalanan natin sa atin.
Let’s pray this together: “Jesus, salamat at ang pag-ibig Mo sa akin ay sinlaki ng agwat ng langit sa lupa; at kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon mo ding inilalayo sa akin ang aking mga kasalanan. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Scripture
About this Plan

7-day Reading Plan Patungkol sa Kabutihan ng Panginoon sa Psalm 103
More
Related Plans

Faith in Action: A Journey Through James

My Problem With Prayer

How to Love Like Jesus

The Letter to the Philippians

Lighting Up Our City Video 2: Avoiding Insider Language

Reimagine Transformation Through the Life of Paul

Life@Work - Sharing Your Faith in the Workplace

How Is It With Your Soul?

The Discipline of Study and Meditation
