Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103Sample

Alam mo ba ang Kanyang kabutihan sa iyo? 🥰
Kahapon, nagtapos ang ating series about the Bible being God’s love story with a verse from Psalm 103. Dahil doon, nabigyan kami ng magandang ideya: how about let’s use this week to take a look at some of the encouraging truths in that Psalm?
Ang mga Salmo ay isang koleksyon ng mga awit na isinulat ng iba’t-ibang mga tao sa iba’t-ibang panahon, bilang awit para sa Panginoon o tungkol sa Kanya. At isa sa mga paborito kong Psalms ay ang Psalm 103. Basahin kaya natin ang unang bahagi nito:
Pupurihin ko ang Panginoon!
Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan.
Pupurihin ko ang Panginoon,
at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan.
Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan,
at pinagagaling ang lahat kong karamdaman.
Inililigtas niya ako sa kapahamakan,
at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag. (Salmo 103:1-4 ASND)
Sanay ka bang purihin ang Panginoon? Kung hindi, walang problema; isa itong gawaing maaari nating matutunan. Noong hindi pa namin kilala si Jesus, hindi rin namin nakasanayang purihin ang Panginoon. At nang simula naming kilalanin Siya at sumamba kasama ang ibang mga tagasunod Niya, that’s where we started practicing how to praise Him.
Pero ang maganda sa Salmo na ito ay, binibigyan tayo nito ng mga dahilan upang purihin ang Panginoon. Halimbawa, unang sinasabi dito ay ang Kanyang pagpapatawad ng lahat nating kasalanan. Pangalawa, na pinagagaling Niya ang lahat nating karamdaman.
Sa dalawang halimbawang ito, we challenge you to think of all your sins that the Lord has forgiven, and all your pains that He has healed. Ipagdasal natin ito at pasalamatan Siya sa kanyang pagpapatawad at pagpapagaling. At, idagdag mo pa ito: “Salamat, Jesus, at inililigtas Mo ako as kapahamakan, at pinagpapala ng Iyong pag-ibig at habag.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.
Scripture
About this Plan

7-day Reading Plan Patungkol sa Kabutihan ng Panginoon sa Psalm 103
More
Related Plans

Faith in Action: A Journey Through James

My Problem With Prayer

How to Love Like Jesus

The Letter to the Philippians

Lighting Up Our City Video 2: Avoiding Insider Language

Reimagine Transformation Through the Life of Paul

Life@Work - Sharing Your Faith in the Workplace

How Is It With Your Soul?

The Discipline of Study and Meditation
