Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103Sample

Kailangan mo ba ng katuwiran? š¬
Timing pala na ang pinag-uusapan natin ngayong papalapit na eleksyon ay Psalm 103. Dahil ang susunod na bahagi na babasahin natin ngayong araw ay:
Ang Panginoon ay matuwid ang paghatol;
binibigyang katarungan ang lahat ng inaapi.
Ipinahayag niya kay Moises ang kanyang pamamaraan,
at inihayag niya sa mamamayan ng Israel ang kanyang mga gawang makapangyarihan. (Salmo 103:6-7 ASND)
Hindi naman tayo mag-uusap nang malalim tungkol sa eleksyon, pero we know it can be scary to think na puwedeng magkaroon ng posisyon ang mga taong hindi natin alam kung matuwid nga ba o hindi ang paghatol. Sa awit na ito, makikita natin kung ano ang ugali ng Panginoon: na Siya ay matuwid ang paghatol, at nagbibigay ng katarungan sa lahat ng inaapi. Hindi ba ganoon ang kailangan nating ugali ng isang hari?
At ang nakakatuwa pa, kahit na Siya ay Diyos at Hari ng lahat, gusto pa rin Niyang makilala natin Siya. Kaya ang susunod na nakasulat sa awit na ito ay nagpapakita na gusto Niyang makita ng mga Israeli ang kanyang mga gawang makapangyarihan, at gusto Niyang makita ni Moses, na itinuring Niyang kaibigan, ang Kanyang pamamaraan.
Isn't that good news? We not only have a very powerful God, but Heās also just and gives justice to the oppressed; and not only is He that good and right, gusto Niya ring magkaroon ng malapit na relasyon sa atin!
Ngayong araw, letās pray this together: āLord, salamat at matuwid ang paghatol Mo at binibigyan Mo ng katarungan ang mga inaapi. Gusto Kitang makilala pa nang mas malalim. Ipahayag Mo sa akin ang Iyong mga gawa at pamamaraan. In Jesusā name, amen.ā
Tandaan mo, isa kang miracle!
Scripture
About this Plan

7-day Reading Plan Patungkol sa Kabutihan ng Panginoon sa Psalm 103
More
Related Plans

Faith in Action: A Journey Through James

My Problem With Prayer

How to Love Like Jesus

The Letter to the Philippians

Lighting Up Our City Video 2: Avoiding Insider Language

Reimagine Transformation Through the Life of Paul

Life@Work - Sharing Your Faith in the Workplace

How Is It With Your Soul?

The Discipline of Study and Meditation
