YouVersion Logo
Search Icon

Ang 7 Last Words Ni JesusSample

Ang 7 Last Words Ni Jesus

DAY 3 OF 7

If you had 24 hours left to live… ⏲️

If you had only 24 hours left to live, ano kaya ang mga bagay na maiisip mo? May mga taong mag-iisip ng mga nakaaway nila at gugustuhing makipagbati muli; may iba namang mag-iisip ng mga bagay na hindi nila nagawa na gusto nilang gawin muna bago mamatay.

Alam mo ba ang mga nasa isip ni Jesus sa mga huling oras bago Siya mamatay? Makikita natin ang mga ito in His seven last sayings, which are recorded in the Bible. At alam mo ba ano ang isa sa mga ito? May isang punto habang nakapako na Siya sa cross na sinabi Niyang, “Woman, behold your son. Then he said to the disciple, 'Behold your mother.’” (John 19:26-27)

Parang nakakalito, ano? Bakit ba ito napasok sa mga huling sinabi ni Jesus habang nasa krus? Sinabi pala Niya ito sa nanay Niyang si Mary, at itinuro ang disciple Niyang si John na sinabihan Niyang, “ito ngayon ang ina mo.”

Nagpapakita pala ito kung gaanong mapag-alaga si Jesus, na hindi Niya hinayaang mapabayaan ang Kanyang ina sa oras na mawala Siya. Sa panahong iyon, ang mga biyuda ay umaasa na lang sa kanilang mga anak. Bilang panganay na anak ni Mary, si Jesus ang sumalo sa responsibilidad na ito. At makikita natin kung gaano ang pagtitiwala Niya kay John na sa kanya Niya ipinagkatiwala ang Kanyang ina.

If there are times when you doubt God’s care for you, isipin mo ang pangyayaring ito, at alamin mong gumagawa na Siya ng paraan kahit na hindi mo pa nakikita. Maaari mong dasalin ito, “Jesus, nahihirapan ako ngayon sa pinagdadaanan kong _______. Teach me to trust that You are in control and You care for me. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Scripture