Committed Siya Sa IyoSample

Bakit ba bini-bless tayo ni Lord?
May list ka ba ng mga dahilan kung bakit bini-bless ka ni God? Halimbawa, kung bakit ka may mga financial blessings? Baka iniisip mo, “Siguro dahil nag-church ako last week," o kaya, "Siguro dahil tama yung beliefs o doctrine ko about God.” O kaya naman yung subtle, pero mas desperate reason, "Bibigyan Niya ako kasi I’ve told my friends na tutulungan Niya ako, so His name is at stake!”
Pero alam mo ba kung anong gustong iparating sa atin ni Lord? May isang napakasimpleng dahilan kung bakit Niya ginagawa ang mga bagay-bagay para sa atin.
Kasi… mahal ka Niya! Alam mo, minsan parang simple lang yung reason na ito, pero yun ang katotohanan. Ang dahilan kung bakit ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak para mamatay in your place, ay hindi lang dahil gusto Niya na mag-enjoy ka sa blessings, kundi dahil mahal ka Niya!
Alam mo ba na masaya si God na magbigay ng mabuti sa atin? Tignan mo ang Jeremias 32:41 ASND: “Kagalakan ko ang gawan sila ng mabuti.”
Sa Awit ni Solomon 2:4, sinabi na, “Dinala niya ako sa isang handaan para ipakita sa lahat na ako ay kanyang minamahal.”
Lahat ng paraan ni God patungo sa’yo ay punong-puno ng pagmamahal. Kasi Siya ang Pag-ibig, at ikaw ang Kanyang minamahal.
Mag-journal ka ngayon kahit 2 minutes lang. Ilista mo ang tatlong bagay na nangyari sa life mo this week na nagpakita ng love ni Lord sa iyo. Tanggapin mo ito, tamasahin mo ito.
Isa kang miracle!
Scripture
Related Plans

Engaging in God’s Heart for the Nations: 30-Day Devotional

Filled, Flourishing and Forward

Our Father...

No More Mr. Nice Guy: Saying Goodbye to Doormat Christianity

____ for Christ - Salvation for All

All That Glitters: What the Bible Teaches Us About Avoiding Financial Traps

THE BRAIN THAT SEEKS GOD: Neuroscience and Faith in Search of the Infinite

Small Yes, Big Miracles: What the Story of the World's Most Downloaded Bible App Teaches Us

Leviticus | Reading Plan + Study Questions
