YouVersion Logo
Search Icon

Committed Siya Sa IyoSample

Committed Siya Sa Iyo

DAY 3 OF 7

Feeling mo ba, inip na si Lord sa iyo?

Minsan ba feeling mo na parang ubos na ang pasensya ni God sa’yo? Parang paulit-ulit ka na lang na nadadapa sa parehong kasalanan na matagal mo nang gustong i-overcome?

Relax lang. Ang commitment ni God sa’yo ay mas malaki kaysa sa kasalanan mo! Sabi sa 1 John 3:20, "Mas malaki si God kaysa sa ating mga puso na nagkokondena sa atin."

Sa Awit ni Solomon 5:10-17, binigyan tayo ng isang magandang paglalarawan ng nagmamahal sa atin, na picture ni Jesus. Yung mga descriptions sa unang tingin parang mga sweet na tula, pero ang mga simbolo nito ay nagpapakita ng malalim na pag-unawa sa puso ni Jesus. For example, sa verse 11, sinasabi, "Ang Kanyang buhok ay malambot at kasing-itim ng uwak."

Sa Bible, the hair is a symbol of dedication—katulad na lang ni Samson na inialay ang Kanyang buhok bilang tanda ng Kanyang vow na maging set-apart para kay God. Ang malambot na buhok naman ay itinuturing sa mga tao sa kanilang pinakamagandang panahon—sa kanilang kabataan, puno ng sigla at lakas, na lalo pang binigyang-diin ng pagiging "itim na kasing-itim ng uwak.”

Ibig sabihin nito, ang commitment ni Jesus sa'yo ay hindi nauubos o nauurong! Ang dedikasyon Niya sa’yo ay nasa pinaka-peak ng kabataan—palaging buhay, palaging punong-puno ng lakas! Hindi lang Siya namatay sa cross para sa'yo two thousand years ago at pagkatapos ay nauubos na ang Kanyang lakas para habulin ka. Hindi! Patuloy pa rin Niya tayong hinahabol at minamahal ng parehong matinding pagmamahal at passion!

Relax lang. Ang puso ni Lord na nagmamahal sa iyo ay hindi kailanman matitinag—Siya'y pareho noon, ngayon, at magpakailanman.

Isa kang miracle!

Day 2Day 4