Gusto Ka Ni JesusSample

Alam mo bang espesyal ka sa Kanya?
Ilang beses ka na bang nakarinig ng preacher na nagsasabing, “Ikaw ay nilikha upang maglingkod sa Diyos,” o sa mas friendly way na, “Ikaw ay nilikha upang sambahin ang Diyos”? Parang tama naman pakinggan, pero minsan, ang pag-uulit-ulit ng mga linyang ito ay nagbibigay ng feeling na ang value mo ay naka-depend lang sa service mo sa Kanya.
Alam mo ba? Nilikha ka para sa isang bagay na mas dakila pa kaysa maging isang tagasamba Niya. Sinasabi sa Biblia sa Song of Solomon 4:12 na tayo ay isang “secret garden” ng Hari, o hardin na may bakod sa palibot:
Katulad ng isang hardin itong aking minamahal, na may bakod sa palibot at sarili ang bukal. (Ang Awit ni Solomon 4:12 RTPV05)
Ano ang ibig sabihin ng secret garden na ito?
Sa panahon ng Biblia, madalas mayroong hardin ang mga hari na hiwalay sa iba pang mga hardin. Ang secret garden na ito ay para lamang sa hari—hindi para sa mga bisita, hindi para sa mga turista, kundi para lamang sa kaligayahan ng hari.
Ano ang ibig sabihin nito sa atin? Nilikha ka para sa kaligayahan ng Hari! Ibig sabihin, espesyal ka sa Kanya, bawat detalye mo. Hindi mo kailangang magpanggap na ibang tao. Of course, hindi ito palaging negatibo: minsan, puwede nating tignan ang iba dahil sa kanilang malapit na relasyon sa Diyos, at nate-tempt din tayong mag-pretend.
Pero alam mo ba? Ang Diyos ay natutuwa sa’yo—oo, IKAW—higit pa kaysa sa ibang tao, dahil ikaw ay mahal na mahal Niya, at espesyal sa Kanya kung sino ka talaga. Wala nang puwedeng pumalit sa’yo sa Kanyang puso, dahil mayroong isang lugar na nakalaan lang para sa’yo.
Tandaan mo, ikaw ay espesyal sa Kanya, at isa kang miracle!
Scripture
Related Plans

5-Day Devotional for Moms: Grace in Your Gaps

Testimonies of Christian Professionals

No More Mr. Nice Guy: Saying Goodbye to Doormat Christianity

Multivitamins - Fuel Your Faith in 5-Minutes (Pt. 2)

Essential and Unshakable

Change My Mind - Standing With Jesus in a Confusing World

Renewing Your Heart for Ministry

Finding Strength in Stillness

Christ Over Everything - Colossians
