Gusto Ka Ni JesusSample

Feeling mo ba, disappointed si Lord sa iyo?
Minsan ba naiisip mo na baka hindi nangyayari ang ini-expect ni Lord sa Kanyang mga nilikha, namely, sa life mo? Naiisip mo bang baka nagsisisi Siyang naging anak ka Nya at part ng Kingdom Niya dahil palagi kang nagkakamali, at wala na Siyang magawa kundi tanggapin ka na lang?
Pero alam mo ba kung sino ang lumikha sa iyo at ang nagligtas sa iyo? Ang gumawa ng mga ito iisa—ang Diyos na makapangyarihan at nakakaalam ng lahat, na nagmamahal sa iyo higit pa sa kahit ano. At ang Kanyang pagmamahal ay hindi bulag! Alam Niya exactly kung ano ang papasukin Niya noong nilikha ka Niya, at alam Niya kung ano ang Kanyang binili nang bayaran Niya ang halaga para sa iyo.
At alam mo ba ang Kanyang konklusyon araw-araw habang nakikipag-usap ka sa Kanya sa lahat ng iyong mga pagsubok? Ikaw ang eksaktong nais at hiningi Niya!
Basahin natin ito:
Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina. (Salmo 139:13-15 ASND)
Anytime na maramdaman mong hindi ka wanted, isipin mo ang krus at makikita mo si Jesus na nagsasabi sa iyo, "Ginawa Ko ito para sa iyo. Ang nararamdaman Ko para sa iyo noong naging Akin ka ay pareho ng passion na nararamdaman Ko para sa iyo ngayon, at hindi ito magbabago!"
Mag-enjoy ka, masaya Siya sa iyo at isa kang miracle!
Scripture
Related Plans

Gospel Courage | Share Your Faith | a 3-Day Devotional

Simple Prayer: How to Pray Like Jesus

Rest to Reset

God in 60 Seconds - Workplace

Praying Like Nehemiah in Difficult Times

Evangelistic Prayer Team Study - How to Be an Authentic Christian at Work

The Fear of the Lord

Breaking Free From an Abusive Marriage

Strategy: The Strategic Faith of Caleb in Overcoming the Giants – a 5-Day Devotional by Allma Johnson
