Ang Katumbas na Halaga sa Pagsunod kay Cristo Sample

Ang buhay na walang hanggan ay “biyaya ng Dios, at hindi ang ating mabuting gawa, na siyang naghatid ng kaligtasan sa mga sumasampalataya kay Cristo Jesus” (Mga Taga-Efesos 2:8-9), dahil sa Kanyang pag-ibig sa sanlibutan “upang hindi mapahamak ang sumasampalataya sa [Kanyang Bugtong na Anak]” (Juan 3:16).
Ano ang katumbas na halaga ng ating pagsunod kay Cristo sa buhay natin ngayon at sa buhay na walang hanggang kaloob Niya?
Unang Araw: Ang Pagsagot sa Tawag ni Cristo
Sinalaysay ni Lucas na ilang tao ang lumapit kay Jesus at nag-declare: “Sasama po ako sa inyo kahit saan.” Ang sagot ni Jesus, “Sumunod ka sa akin.” Pero iba’t ibang dahilan ang tinanggap ni Jesus sa mga ito. Ang isa ay nagsabing, “Panginoon, hayaan lang po muna ninyong maipalibing ko ang aking ama.” At ang isa naman ay sumagot ng, “Panginoon, ngunit hayaan ninyong magpaalam muna ako sa aking mga kasambahay” (9:57-62).
Apat na mangingisda mula sa Galilea ang unang tinawag ni Cristo. “Sinabi ni Jesus [kina Pedro at Andres], ‘Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.’ Noon di’y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus. Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa bangka kasama ang kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus” (Mateo 4:19-22).
Hindi nagdalawang-isip na iwan ang kanilang mga kabuhayan at mga pamilya ang mga unang alagad na tinawag ni Jesus. Wala ring umatras at nagbigay ng dahilan.
Ano ang malaking hadlang sa iyong pagsunod ng buong puso sa tawag ni Cristo?
About this Plan

Ano ang hinihingi at inaasahan ni Cristo sa Kanyang mga alagad?
More
Related Plans

Sickness Can Draw You and Others Closer to God, if You Let It – Here’s How

Journey Through Proverbs, Ecclesiastes & Job

Here Am I: Send Me!

Come Holy Spirit

Live Like Devotional Series for Young People: Daniel

The Way of St James (Camino De Santiago)

The Making of a Biblical Leader: 10 Principles for Leading Others Well

Journey With Jesus: 3 Days of Spiritual Travel

Prayer Altars: Embracing the Priestly Call to Prayer
