YouVersion Logo
Search Icon

Ang Katumbas na Halaga sa Pagsunod kay Cristo Sample

Ang Katumbas na Halaga sa Pagsunod kay Cristo

DAY 2 OF 5

Ikalawang Araw: Ang Bagong Pamumuhay ng mga Alagad

Alam mo bang kaaway ng Diyos ang kaibigan ng mundo? Sinabi ni Santiago, “Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos?” (4:4a)

Pinatibayan rin ito ni Apostol Pablo ng sabihin niya, “Kaya ngayon, ang pagtingin natin sa bawat tao ay hindi na batay sa sukatan ng tao [o ng mundo]. Noong una’y ganoon ang ating pagkakilala kay Cristo, ngunit ngayo’y hindi na. Kaya’t kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito’y napalitan na ng bago” (2 Mga Taga-Corinto 5:16-17, may karagdagang emphasis). “Tayo’y patay na sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala?” (Mga Taga-Roma 6:2)

Ang mga nakarinig ng Salita ng Diyos at tumanggap at sumunod kay Cristo ay “nagpabautismo, nanatili sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa pananalangin…” (Mga Gawa 2:41-42).

Anong mga hakbang ang iyong gagawin upang mapahalagahan mo ang pagsunod kay Cristo?