Mga Awit 67
67
Awit ng Pagpapasalamat
Isang Awit na kinatha upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng mga instrumentong may kuwerdas.
1O Diyos, pagpalain kami't kahabagan,
kami Panginoo'y iyong kaawaan, (Selah)#1 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
2upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.
3Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
4Nawa'y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa. (Selah)#4 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
5Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
6Nag-aning mabuti ang mga lupain,
pinagpala kami ni Yahweh, Diyos namin!
7Magpatuloy nawa iyong pagpapala
upang igalang ka ng lahat ng bansa.
ទើបបានជ្រើសរើសហើយ៖
Mga Awit 67: MBB05
គំនូសចំណាំ
ចែករំលែក
ចម្លង

ចង់ឱ្យគំនូសពណ៌ដែលបានរក្សាទុករបស់អ្នក មាននៅលើគ្រប់ឧបករណ៍ទាំងអស់មែនទេ? ចុះឈ្មោះប្រើ ឬចុះឈ្មោះចូល
© 2005 Philippine Bible Society