Salmo 76
76
Salmo 76
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.
1Kilalang-kilala ang Diyos sa Juda,
at sa Israel ay dakila siya.
2Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem.#76:2 Jerusalem: Sa Hebreo, Salem. Isa rin itong pangalan ng Jerusalem na ang ibig sabihin ay “kapayapaan”.
3Doon, sinira niya ang mga nagniningas
na palaso ng kaaway,
ang kanilang mga pananggalang, espada
at iba pang kagamitang pandigma.
4O Diyos, makapangyarihan kayo
at higit na dakila
habang bumababa kayo sa bundok
na kung saan pinatay nʼyo
ang inyong mga kaaway.#76:4 habang … kaaway: Sa Septuagint, sa matatandang bundok.
5Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam.
Silang lahat ay namatay na;
wala nang makakapagbuhat pa
ng kamay sa amin.
6O Diyos ni Jacob, sa inyong sigaw,#76:6 sigaw: O saway.
ang mga kawal#76:6 kawal: Sa literal, mangangabayo. at ang kanilang mga kabayo ay namatay.
7Kaya dapat kayong katakutan.
Sinong makakatagal sa inyong harapan
kapag kayoʼy nagalit?
8Mula sa langit ay humatol kayo.
Ang mga tao sa mundo
ay natakot at tumahimik
9nang humatol kayo, O Diyos,
upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.
10Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao#76:10 ang … tao: O ang galit ng mga tao.
ay magbibigay ng karangalan sa inyo,
ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos
ang inyong galit.
11Mangako kayo sa Panginoon
na inyong Diyos at tuparin ito.
Lahat kayong mga bansang nasa paligid,
magdala kayo ng mga regalo sa Diyos
na siyang karapat-dapat katakutan.
12Ibinababa niya ang mapagmataas
na mga pinuno;
kinatatakutan siya ng mga hari
rito sa mundo.
اکنون انتخاب شده:
Salmo 76: ASD
هایلایت
به اشتراک گذاشتن
مقایسه
کپی
می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.