Salmo 75

75
Salmo 75
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Inaawit sa tono ng awiting, “Huwag Sirain!”
1O Diyos, nagpapasalamat kami sa inyo.
Nagpapasalamat kami
dahil malapit kayo sa amin.
Ipinapahayag ng mga tao
ang inyong mga kahanga-hangang gawa.
2Sinabi nʼyo O Diyos, “May itinakda akong
panahon ng paghatol
at hahatol ako nang walang kinikilingan.”
3Kapag yumanig ang mundo
at ang mga taoʼy magkagulo sa takot,
ako ang magpapatibay ng pundasyon ng mundo.
4Sinasabi ko sa mga hambog,
“Huwag kayong magyabang”
at sa masasama,
“Huwag ninyong ipagmalaki
ang inyong kakayahan.
5Tigilan nʼyo na ang pagmamalaki
na kayo ay nanalo
at magpakumbaba na kayo.”
6Dahil ang tagumpay ng taoʼy
hindi nagmumula sa kung saan-saan,#75:6 kung saan-saan: Sa literal, sa silangan o kanluran o sa ilang.
7kundi sa Diyos lamang.
Siya ang humahatol;
kung sino ang ibababa
at kung sino ang itataas.
8Dahil ang Panginoon ang humahawak ng kopa
na puno ng bumubulang matapang na alak.
Ibinubuhos niya ito at ipinaiinom sa masasama
hanggang sa huling patak.
9Ngunit ako, walang tigil kong ipahahayag
ang tungkol sa Diyos ni Jacob,
aawit ako ng mga papuri para sa kanya.
10Aalisin niya#75:10 niya: Sa Hebreo, ko. ang kakayahan ng masasama,#75:10 Aalisin niya … masasama: Sa Hebreo, Puputulin ko ang lahat ng sungay ng masasamâ.
ngunit dadagdagan niya
ang kapangyarihan ng matutuwid.

اکنون انتخاب شده:

Salmo 75: ASD

های‌لایت

به اشتراک گذاشتن

مقایسه

کپی

None

می خواهید نکات برجسته خود را در همه دستگاه های خود ذخیره کنید؟ برای ورودثبت نام کنید یا اگر ثبت نام کرده اید وارد شوید