Isaias 56:6-7
Isaias 56:6-7 ASD
Pagpapalain ko rin ang mga dayuhang nag-alay ng sarili nila sa PANGINOON para paglingkuran ako, mahalin, sambahin, at sundin ang aking ipinapagawa sa Araw ng Pamamahinga, hindi ito nilalapastangan, at tumutupad sa aking kasunduan. Dadalhin ko sila sa aking banal na bundok at aaliwin doon sa aking templong dalanginan. Tatanggapin ko sa aking altar ang kanilang mga handog na sinusunog at iba pang mga handog, sapagkat ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng mga tao mula sa lahat ng bansa.”


