Juan 11:17, 18, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27, 28, 29, 30, 31, 32, 33, 34, 35, 36, 37, 38, 39, 40, 41, 42, 43, 44
Juan 11:19 RTPV05
kaya't maraming taga-Jerusalem ang dumalaw kina Marta at Maria upang makiramay sa pagkamatay ng kanilang kapatid.
Juan 11:20 RTPV05
Nang mabalitaan ni Marta na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito, ngunit si Maria nama'y naiwan sa bahay.
Juan 11:22 RTPV05
Subalit nalalaman kong kahit ngayo'y ipagkakaloob sa inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya.”
Juan 11:25 RTPV05
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay
Juan 11:26 RTPV05
at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”
Juan 11:27 RTPV05
Sumagot siya, “Opo, Panginoon! Sumasampalataya po ako sa inyo at naniniwalang kayo nga ang Cristo, ang Anak ng Diyos na paparito sa daigdig.”
Juan 11:28 RTPV05
Pagkasabi nito, umuwi si Marta. Tinawag niya si Maria at binulungan, “Naririto na ang Guro at ipinapatawag ka.”
Juan 11:30 RTPV05
Wala pa si Jesus sa nayon; naroon pa lamang siya sa lugar kung saan siya sinalubong ni Marta.
Juan 11:33 RTPV05
Nahabag si Jesus at nabagbag ang kanyang kalooban nang makita niyang umiiyak si Maria, pati ang mga Judiong kasama nito.
Juan 11:34 RTPV05
“Saan ninyo siya inilibing?” tanong ni Jesus. Sumagot sila, “Panginoon, halikayo at tingnan ninyo.”
Juan 11:37 RTPV05
Sinabi naman ng ilan, “Napagaling niya ang bulag, bakit hindi niya nahadlangan ang pagkamatay ni Lazaro?”
Juan 11:38 RTPV05
Muling nabagbag ang kalooban ni Jesus pagdating sa libingan. Ang pinaglibingan kay Lazaro ay isang yungib na natatakpan ng malaking bato.
Juan 11:39 RTPV05
“Alisin ninyo ang bato,” utos ni Jesus. Ngunit sumagot si Marta, “Panginoon, nangangamoy na po siya ngayon; apat na araw na siyang patay.”
Juan 11:40 RTPV05
Sinabi ni Jesus, “Hindi ba't sinabi ko sa iyo na kung sasampalataya ka sa akin ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”
Juan 11:41 RTPV05
Kaya't inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus sa langit at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat dinirinig mo ako
Juan 11:42 RTPV05
at alam kong lagi mo akong diringgin. Ngunit sinasabi ko ito dahil sa mga taong naririto, upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.”