Palugit Upang Huminga Halimbawa

Ang pera ay hindi lang pera sa Diyos. Ito ay higit pa sa mga piso at sentimos at mga utang at badyet. Sa Diyos, ang pinupuntahan ng iyong pera ay nagpapakita ng ginigiliw ng iyong puso. Kung paano mo ito ginagastos (o tulad ng makikita natin sa araw na ito, kung handa kang hindi gastusin itong lahat) ay nagpapakita sa Diyos ng kung gaano ka kadesidido na kayaning sundin Siya. Ito ang dahilan kung bakit ang pagkakaroon ng pagitan—o palugit upang huminga—ay hindi lang pinakamainam na paraan na pamahalaan ang iyong kalendaryo, ito rin ang pinakamainam na paraan na pamahalaan ang iyong pera.
Kaya ano nga ba ang ibig sabihin ng pamahalaan ang iyong pera nang may pagitan? Ang ibig sabihin nito ay hindi mo ginagastos ang bawat pisong kinikita mo. Nag-iiwan ka ng palugit upang huminga sa pagitan ng perang pumapasok at perang lumalabas. Sa bersikulo ngayong araw mula sa Lucas ipinapaliwanag kung bakit ang pamamahala ng iyong pera ay napakahalaga sa Diyos. Sa katapusan ng isang mahabang talinhaga, sinisiguro ni Jesus na nauunawaan ng Kanyang mga tagapakinig ang puntong idinidiin Niya, “Walang aliping maaaring maglingkod ng sabay sa dalawang panginoon . . . Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” Dalawang libong taong nakaraan, ang mga taong nakikinig kay Jesus ay maaaring tunay na maging alipin dahil sa utang na hindi mabayaran. Sa kasalukuyan, ang iyong panginoon ay maaaring isang korporasyon ng credit card o sanglaan. Ngunit pareho ang resulta: ibang tao ang magdedesisyon sa iyong buhay.
Maaaring inuudyukan ka ng Diyos na lumipat sa ibang lunsod, ngunit kung hindi ka pa areglado sa pagbabayad ng iyong sinangla at hindi mo tuloy maipagbili ang iyong bahay, hindi ka malaya na sundin Siya. Maaaring tinatawag ka Niyang mag-ampon, ngunit kung nagastos mo na sa halip na naipon ang pera at hindi mo kayang tustusan ang kinakailangang pondo, hindi ka malaya na sundin Siya. O maaaring nararamdaman mong oras nang lisanin ang iyong trabaho, ngunit hindi kakayanin ng pamilya mong mawala ang kinikita mo dahil kasalukuyan mong ginagastos ang bawat pisong kinikita mo.
Kung paano mo pinamamahalaan ang iyong pera ay mahalaga sa Diyos dahil ang kabuuan ng iyong ipon sa bangko ay maaaring humadlang sa iyong magsabi ng oo sa ipinagagawa Niya sa iyo.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan mo ng pinansiyal na palugit upang huminga. Ang pamamahala ng iyong pera nang may pagitan (sa madaling sabi hindi mangutang, kontrolado ang paggastos, mamuhay nang ayon sa kakayahan lang) ang magbibigay sa iyo ng kalayaan na maging bukas-palad, na maglingkod sa iba, na magsabi ng oo kapag sinabi Niyang lakad. Binibigyan ka nito ng kalayaang sundin ang Diyos tungo sa pinakamainam na buhay na maaari mong matamo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Minsan ba ay nararamdaman mong hindi ka nasisiyahan sa anumang bagay dahil tinatangka mong gawin ang lahat ng bagay? Gawi mo na sa buhay ang pagmu-multitask kasama ang iyong mga minamahal. . .Oo nga at ikaw ay maraming nagagawa. Ngunit ikaw naman ay pagod na pagod. Kailangan mo ng kahit kaunting palugit upang huminga. Sa pamamagitan ng isang simpleng imbitasyon, nag-aalok ang Diyos ng paraan upang mapalitan ang iyong nakakapagod na buhay ng iba naman na magbibigay sa iyo ng kapayapaan. Ipapakita sa iyo ng gabay na ito kung paano.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos

Kabalisahan

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw

Banal na Pagsisikap: Yakapin ang Buhay ng Puspusang-Pagtatrabaho, Buhay ng Mahusay na Pagpapahinga

Habits o Mga Gawi

Pagpapahinga ng Kaluluwa: 7 Araw Patungo sa Panunumbalik

Matatag

Paglalaan ng Oras Upang Magpahinga
