Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Palugit Upang Huminga Halimbawa

Breathing Room

ARAW 2 NG 5

Hindi mo kailangang maging relihiyoso upang malaman at maipatupad ang diwa ng Araw ng Pamamahinga—isang araw na hindi magtatrabaho. Inaasam-asam natin ang isang banayad na maghapong Sabado o Linggo, maaaring matutulog lang, tigil muna sa nakakarinding pagtatrabaho. Ngunit kung inaakala mong isang tahimik na Linggo lamang ang Araw ng Pamamahinga, hindi mo pa alam ang pinakamainam na bahagi nito—ang bahaging sa wakas ay magbibigay sa iyo ng palugit upang huminga.

Bumalik muna tayo sa kuwento na nauna sa mga sipi para sa araw na ito mula sa Exodo kung saan binanggit ng Diyos ang Araw ng Pamamahinga. Ang mga mamamayan ng Israel ay naging mga alipin sa Egipto nang 400 taon, nagtatrabaho buong araw, araw-araw. Tapos sila ay pinalaya at ang buong bayan ay naglakbay sa disyerto ng apatnapung taon pa. At dito na ibinigay ng Diyos ang kautusan na ipatupad ang Araw ng Pamamahinga—na ilaan ang isang araw sa bawat linggo sa pamamahinga.

Sinabi ng Diyos sa isang grupo ng mga tao na nagtatrabaho araw at gabi nang daan-daang taon at ngayon ay nagsisikap na makahanap ng sapat na pagkaing makakain ng libo-libong tao sa gitna ng disyerto na dapat silang magpahinga ng isang araw sa loob ng isang linggo. Marahil na tila kaululan ito sa kanilang pandinig! Kung hindi sila magtatrabaho sa araw na iyon, wala silang kakainin sa araw na iyon.

Ngunit may ginagawa ang Diyos. Sa Exodo 31:13, pinaliwanag Niya na ang paglalaan ng Araw ng Pamamahinga ay magsisilbing palatandaan para sa mga Israelta na "ako ang Panginoon..." (ASND). Sinasabi ng Diyos sa kanila (at sa atin) ang Nais Kong patunayan sa inyo na maaaari Akong pagkatiwalaan. Alam Kong natatakot kayong magutom. Ngunit patutunayan Ko, linggo-linggo, na maaari Akong pagkatiwalaan.

Maaaring alam mo na ang katapusan ng kuwento. Sa pamamagitan ng manna at pugo, tumugon ang Diyos sa takot nilang magutom sa tapat na pagbibigay ng kanilang pagkain sa araw-araw, pati na sa araw na inutusan Niya silang magpahinga at huwag magtrabaho.

Ang utos ng Diyos na tayo ay magpahinga ay sa katunayan isang imbitasyon na pagkatiwalaan Siya. Kapag natatakot tayong ang pagtanggi sa imbitasyon ay makasasakit sa damdamin ng ating kaibigan, mapapagkatiwalaan natin ang Diyos na pangalagaan ang pagkakaibigan na iyan. Kapag natatakot tayong napakaliit ng ating bahay, napakaluma na ng ating sasakyan, o ang mga damit natin ay masyadong simple, mapapagkatiwalaan natin ang Diyos na hindi sa mga bagay na iyon nababatay ang ating halaga. Ang pagtitiwala sa Diyos sa halip na magngitngit at lumabis sa ating mga limitasyon, ay ang daan upang sa wakas ay permanente nating masumpungan ang palugit upang huminga.

Tungkol sa Gabay na ito

Breathing Room

Minsan ba ay nararamdaman mong hindi ka nasisiyahan sa anumang bagay dahil tinatangka mong gawin ang lahat ng bagay? Gawi mo na sa buhay ang pagmu-multitask kasama ang iyong mga minamahal. . .Oo nga at ikaw ay maraming nagagawa. Ngunit ikaw naman ay pagod na pagod. Kailangan mo ng kahit kaunting palugit upang huminga. Sa pamamagitan ng isang simpleng imbitasyon, nag-aalok ang Diyos ng paraan upang mapalitan ang iyong nakakapagod na buhay ng iba naman na magbibigay sa iyo ng kapayapaan. Ipapakita sa iyo ng gabay na ito kung paano.

More

Nais naming pasalamatan ang North Point Ministries at si Sandra Stanley para sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://breathingroom.org