Ang Galing ni Jesus!Halimbawa

Ang galing ni Jesus! đ
Anu-ano ba ang mga bagay na iyong basehan para masabing magaling ang isang tao? Sa kanilang mga talento ba âgaya ng pagkanta o pagsayaw? O sa kakayahan nilang lumikha ng mga bagay-bagay, tulad ng woodwork, or baking, or cooking?
Ipagpatuloy natin ngayon ang ating series, âAng Galing ni Jesus,â na nakatingin sa mga paglalarawan kay Jesus sa Book of Revelation, which is the last book of the Bible. Letâs read this verse aloud:
âIto ang mensahe ng may hawak ng espadang matalas at may magkabilang talim. (Pahayag 2:12 ASND)
Aba, ano kayang paglalarawan ito âna si Jesus daw ay may hawak na espada? This reference to a double-edged sword can be seen in Hebrews, another book of the Bible. Basahin natin ito:
Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaÊŒt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao. (Hebreo 4:12 ASND)
Ayun, ang espada pala ay ginamit ding paglalarawan ng salita ng Diyos. Ginagamit Niya ito upang malaman ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad natin. Kaya ang paglalarawan kay Jesus bilang may hawak ng espadang ito ay nagpapakita kung gaano kalalim ang nakikita Niya sa ating kaibuturan.
Ano ba ang mga nasa pinakamalalim na bahagi ng puso mo? Nakikita ito ni Jesus, at kaya Niyang himayin ang mga bahagi nito upang makita kung ano talaga ang nasa loob mo.
Puwede mong dasalin ito, âLord, Ikaw ang may hawak ng paraan upang makita ang lahat ng nasa kalooban ko. Ipakita Mo sa akin ang mga bagay na nagpapaligaya sa Iyo at ang mga bagay na gusto Mong baguhin.â
Tandaan mo, isa kang miracle!
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day . Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Ang Galing ni Jesus!
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Mapagbigay na Panginoon

The Power of Love

Itâs OK not to be OK

The Mission | Ang Unti-unting Paglalahad ng Layunin ng Diyos

Little Lessons sa Buhay ni David

His ways are higher than our ways

BibleProject | Si Jesus & Ang Bagong Pagkatao

Our Identity in Christ

Buhay na Walang Katapusan
