Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Galing ni Jesus!Halimbawa

Ang Galing ni Jesus!

ARAW 1 NG 7

Si Jesus ang saksi đź‘€ sa kagandahan ng Ama

Kumusta ka ngayon? We’re excited to start our new series this week, called, “Ang Galing ni Jesus!” May titingnan tayong ilang halimbawa ng mga tawag kay Jesus sa Book of Revelation, ang pinakahuling libro sa Bible. Ipinapakita nito sa atin kung gaano kagaling ang Panginoon natin.

Basahin natin itong nakasulat:

Hesu-Kristo, ang mapagkakatiwalaang saksi, ang unang nabuhay mula sa mga patay, at ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa. (Pahayag 1:5 ASND)

Ito ay mula sa isang liham na sinulat ng tagasunod na si Juan para sa pitong iglesia, o mga grupo ng mga tagasamba. Nagmula daw kay Jesus ang liham na ito; at ito ang ginamit niyang mga paglalarawan kay Jesus.

Ngayong araw, tingnan natin ang unang sinabi: si Jesus daw ang mapagkakatiwalaang saksi.

Ano ang ibig sabihin nito? Nakapanood ka na ba sa news kung ano ang ginagawa ng isang saksi kapag may isang pangyayari, halimbawa, isang aksidente o krimen? Ang saksi ang siyang nagsasabi sa mga pulis kung ano ang kanyang nasaksihan: itsura ng kriminal, mga detalye tungkol sa kung ano ang tunay na pangyayari. At dahil dito, natutulungan ang mga awtoridad na maresolba ang krimen.

At bakit sa palagay mo tinawag si Jesus na mapagkakatiwalaang saksi? Dahil Siya pala ang nakakilala sa Ama sa Langit, at gustong-gusto Niyang ipakilala Siya sa atin. May sinabi Siya sa mga tagasunod Niya, let’s read aloud John 17:26:

Ipinakilala kita sa kanila, at patuloy kitang ipapakilala upang ang pagmamahal mo sa akin ay mapasakanila at ako man ay mapasakanila.

Ang galing, hindi ba? Ipinakilala ni Jesus sa atin ang Ama sa Langit, at ang naging magandang bunga nito ay tumubo rin sa puso natin ang pagmamahal ng Ama sa Kanya.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Banal na Kasulatan