Ang Galing ni Jesus!Halimbawa

Alam mo bang mabubuhay din tayong muli? 🤩
Narito tayo ngayon sa ating series for this week, “Ang Galing ni Jesus!”. Let’s continue looking at the descriptions of Jesus in the Book of Revelation in the Bible.
Yesterday, we read this verse. Let’s read this again today, at pag-usapan natin ang pangalawang bahagi nito:
Hesu-Kristo, ang mapagkakatiwalaang saksi, ang unang nabuhay mula sa mga patay, at ang namumuno sa lahat ng hari sa lupa. (Pahayag 1:5 ASND)
Nakita mo ba? Si Jesus daw ang unang nabuhay mula sa mga patay. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Bilang mga Filipino, karamihan sa atin ay may knowledge about how Jesus died on the cross and rose from the dead on the third day. Pero alam mo bang hindi lang pala Siya ang kaisa-isahang bumalik mula sa pagkamatay? The good news of what He did is that, by defeating death, nabigyan Niya rin tayo ng power over death. Which means that even if we die, someday we will rise again.
Ang galing pala ni Jesus ano? Hindi lang Siya bumalik na buhay, kundi Siya ang unang nabuhay na muli. Ibig sabihin, may mga kasunod pa, which is all of us who believe in Him.
Kung natatakot kang mamatay o ang mga mahal mo sa buhay ang mawala, ito ang tandaan mo: ang lahat ng sumusunod kay Jesus ay maaaring mabuhay muli, at magkaroon ng buhay na walang-hanggan. Nakakamangha, di ba?
Let’s pray this together: “Jesus, ang galing at Ikaw ang unang nabuhay mula sa mga patay. Turuan Mo akong paniwalaan ang pangako Mong mabubuhay muli ang lahat nang naniniwala at sumusunod sa Iyo. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Ang Galing ni Jesus!
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Mapagbigay na Panginoon

The Power of Love

It’s OK not to be OK

The Mission | Ang Unti-unting Paglalahad ng Layunin ng Diyos

Little Lessons sa Buhay ni David

His ways are higher than our ways

BibleProject | Si Jesus & Ang Bagong Pagkatao

Our Identity in Christ

Buhay na Walang Katapusan
