Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Apat Na TulaHalimbawa

Ang Apat Na Tula

ARAW 4 NG 4

TANONG

Ano ba ang gagawin mo kung malalaman mo,

Si Hesu Kristo ay kumakatok sa iyong puso?

Ipagwawalang bahala ba o siya'y pagbubuksan ng pinto?

Halina't bilisan mo sapagkat mahalaga ang bawat segundo.

Hanggang saan aabot ang iyong pananampalataya?

Kung buhay na walang hanggan ang nakataya.

Kayamanan, luho, bisyo pati pakiramdam kaya bang ipagparaya?

Kung ang nais mo sa rehas ng kasalanan ay maging malaya.

Ikaw ba ay naguguluhan at nagdadalawang-isip?

Kung ang daang tinatahak ay tama sapagkat ito'y masikip,

Tanong mo; " O Diyos pangako mo'y buhay na masaya at walang hanggan,

Bakit hanggan ngayo'y hindi ko ito maramdaman sa halip ako ngayon ay nahihirapan?

Sagot Niya; " Manalig ka anak at sa pakiramdam ay huwag maniwala.

Gawin ang TAMA at hindi ang sa akala mo lang ay tama,

Kaunting tiis sapagkat tayo ay malapit nang magkita,

Krus ay pasanin at sumama ka sa Akin,

At buhay na walang hanggan ay makakamit mo sa Aking piling.

Kung gusto mong magtiwala sa Diyos, ito ang isang panalangin na puwede mong sundan:

Panginoong Hesus, salamat sa pagmamahal Mo sa akin at sa magandang plano Mo para sa buhay ko. Patawad dahil namuhay ako ng wala Ka. Salamat Hesus na namatay Ka at muling nabuhay muli para sa aking mga kasalanan. Gusto kong magtiwala sa Iyo. Pumasok Ka sa puso ko at maging Panginoon at Tagapagligtas ko. Gusto kong maranasan ang tunay na pag-ibig, kapayapaan at seguridad na sa Iyo lang nanggagaling. Tulungan Mo akong mamuhay ng ayon sa gusto Mo. Amen.

Kung ikaw ay nanalangin ng nakasulat sa taas, gusto naming makipag-ugnayan sa iyo at matulungan ka sa paglago. Maari kang magpadala ng mensahe sa aming Facebook page sa pamamagitan ng link na ito: https://m.me/cruph. Sabihin na nabasa mo ang Apat na Tula mula sa YouVersion. Pagpalain ka ng Diyos!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Apat Na Tula

Ang Apat na Tula ay likha ni Bb. Edha Dipositario, isang misyonero ng Cru Philippines.

More

Nais naming pasalamatan ang Cru Asia sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: www.cru.ph