Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Apat Na TulaHalimbawa

Ang Apat Na Tula

ARAW 1 NG 4

PAGMAMAHAL

Ako ay may handog, isang regalo para lamang sa'yo,

Ito ay ang pagmamahal Ko, totoo at buong-buo,

Higit pa sa lalim at lawak ng sukat na iniisip mo,

Higit pa sa taong akala mong nagmamahal sayo.

Masakit maisip at malaman ang buong katotohanan,

Ako'y iyong tinalikuran at pinili ang pagmamahal na walang kabuluhan,

Nalunod sa makamundong kasiyahan,

At niloko ang sarili sa tamis nang nararamdaman.

Ngayon, makamundong pagmamahal ay nabigo,

Ang akala mong mundo ay tuluyan ng gumuho,

Sa tindi ng sakit, puso mo'y naghihinagpis,

Iyong mga mata'y walang tigil na tumatangis.

Mga mata mo'y tuluyan na ngang buksan,

Imulat sa pagmamahal na walang katuturan,

Aking pagmamahal naman ngayon ang iyong subukan,

Pagmamahal na kailanman ay hindi mapapantayan.

Pagmamahal na labis-labis at hindi nagkulang,

Pagmamahal na kayang baguhin ang nawasak na sanlibutan,

Pagmamahal na kayang kang tanggapin maging sino ka man,

Ano man ang nagawa mong kasalanan sa iyong nakaraan.

Pagmamahal na may naghihintay na magandang plano,

Pagmamahal na kukumpleto sa puso mo,

Siya ay Si Hesus ang Siya'ng tunay na nagmamahal sayo,

Handang maghintay kahit pa habambuhay,

Siya lamang ay ibigin mong tunay.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Apat Na Tula

Ang Apat na Tula ay likha ni Bb. Edha Dipositario, isang misyonero ng Cru Philippines.

More

Nais naming pasalamatan ang Cru Asia sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: www.cru.ph