Ang Apat Na TulaHalimbawa

DAAN
Saan ba? Ano nga ba ang tamang daan?
Mga katanungang minsa'y nasagi sa ating isipan,
Tama nga ba ang aking mga katanungan?
Sapagkat MALI ang nakuha kong kasagutan.
Minsa'y ating nasasabi; "Ako'y nagpakahirap,
Gumawa ng mabuti sa kapwa't naging matapat,
Nagmahal, nagtiis ngunit bakit hindi pa rin sapat?
Ano nga ba ang gagawin upang Sayo'y maging karapat-dapat?
Ito'y nakasulat; "Ako ang daan,
Katotohanan, at ang buhay,
Walang makakapunta sa Ama,
Kung hindi dahil sa pamamagitan Ko",
Iyan ang mga salitang binigkas ni Hesu Kristo.
"SINO" at hindi ano o saan ang dapat na katanungan,
"PAANO" tanggapin at hindi gaano kadami ang dapat tanungin,
Sapagkat isa lamang ang binigay na kasagutan,
Si Hesus ay tanggapin at sa puso ay ating papasukin.
Kabutihan, pilosopiya o relihiyon ay hindi sapat,
Kung Si Kristo sa buhay natin ay may agwat,
Sa kasalanan tayo ay totoong maging malaya,
Sa Kanya tayo ay patuloy na umasa at magtiwala.
Kanyang pagmamahal sa puso ay ating damhin,
Tamang landas halina't ating tahakin,
Kabutihan ay lalo pang pagyabungin,
Sapagkat tayo'y ginawa upang kapwa ay mahalin at ang Diyos ay habang buhay na sambahin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Apat na Tula ay likha ni Bb. Edha Dipositario, isang misyonero ng Cru Philippines.
More
Nais naming pasalamatan ang Cru Asia sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: www.cru.ph









