Masayahin ang ating PanginoonHalimbawa

Do you know there’s joy in the Kingdom of God? 🏰
Katulad ka rin kaya ng karamihan ng tao na kapag ipinapaisip ng hitsura ng langit, ang unang pumapasok sa isipan mo ay mga anghel na nakaupo o nakahiga sa ulap—walang ginagawa kundi ang kumanta at tumugtog sa mga golden harp? Parang ganun talaga ang unang naiisip natin, siguro dahil sa mga posters at cartoons na napapanood natin, ano?
Pero kaya mo bang aminin— parang ang lungkot naman kung ganun lang ang nangyayari sa langit sa bawat araw at gabi? Parang hindi naman masaya ang paulit-ulit lang na pagkanta ng mga seryosong awitin! Pero ang sabi nila, masaya sa langit, di ba?
Totoo, masayahin ang ating Panginoon. The picture of cute, chubby baby angels just singing on harps all day is not how the Bible describes heaven or the Kingdom of God. Basahin natin itong isang deskripsiyon ng paghahari ng Diyos:
Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa kapwa, at kagalakan na nagmumula sa Banal na Espiritu. (Roma 14:17 ASND)
Oo, ang nabasa nating ito ay hindi lang limited to heaven, but to the Kingdom of God that’s here now, in this age. It describes a righteous way of living, good relationship with others, and joy that comes from the Holy Spirit. Hindi ba’t nakakatuwa? Walang away, ang lahat ay mapayapa sa mga kasama natin, ang bawat isa’y namumuhay nang maayos, at lahat ay puno pa ng kagalakan galing sa Holy Spirit!
Can you see God’s heart in this? Napakamasayahin Niya at gusto Niya rin itong ibahagi sa atin through the Holy Spirit.
Nahihirapan ka ba ngayong maging masaya? Puwede nating hingin ito kay Lord, both joy and peace: “Lord, dahil masayahin Ka, bigyan Mo rin ako ng payapa at saya na galing sa Iyo.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day . Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Masayahin ang ating Panginoon
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Nilikha Tayo in His Image

Prayer

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

BibleProject | Mga Sulat ni Juan
