Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Masayahin ang ating PanginoonHalimbawa

Masayahin ang ating Panginoon

ARAW 4 NG 7

May ginagawa Siya kapag natutuwa Siya 😎

Ipagpatuloy natin ang ating series ngayong linggo, “Masayahin ang Ating Panginoon.” Napag-isipan mo na ba ang katotohanang ito? Are you getting used to seeing Jesus as someone with a smile on His face, instead of someone always frowning and complaining?

Ngayon, pag-usapan natin ang ideyang ito: kapag natutuwa ka sa isang tao, hindi ba’t madalas ay meron kang gustong gawin? Halimbawa, kapag ang isang magulang ay natutuwa sa kanilang anak, ang isa sa pinaka-natural na gawin ay ipakita ang galak na ito sa pamamagitan ng aksyon. Puwede nilang halikan ito, o bilhan ng regalo, just like parents who celebrate their children’s achievements at school.

Ang Panginoon ay ganoon din pala. Throughout the Bible, He talks about how He likes to reward His people. Tingnan natin ang isang gawa ng Panginoon bilang pagpapakita ng Kanyang pagkalugod sa Kanyang mga tauhan, ayon sa isinulat sa Salmo:

Dahil ang Panginoon ay nalulugod sa kanyang mga mamamayan;
pinararangalan niya ang mga mapagpakumbaba
sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tagumpay. (Salmo 149:4 ASND)

Nakikita mo ba? Unang-una, sinasabi ditong nalulugod Siya sa Kanyang mga mamamayan. Ngunit, higit pa sa pakiramdam ng pagkalugod, may ginagawa ang Panginoon dahil dito: ang pagpaparangal sa pamamagitan ng pagbibigay ng tagumpay sa mapagpakumbaba.

Gusto mo rin ba ito? You can be confident in this; because He delights in you, as long as you humble yourself before Him, He will guide you towards success. And you can be sure that His definition of success is lasting and far more peaceful than anything we can imagine!

Dasalin natin ito: “Lord, salamat at nalulugod ka sa akin, at gusto Mo akong bigyan ng tagumpay. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan