Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Masayahin ang ating PanginoonHalimbawa

Masayahin ang ating Panginoon

ARAW 6 NG 7

Gusto mo ba ng ligayang walang hanggan💛💛💛?

Kapag naging maligaya ka sa isang bagay, gaano katagal bago mawala ito? Halimbawa, kapag nabili mo ang gusto mong gadget na matagal mong pinag-ipunan— ilang araw, linggo o buwan ba bago mawala ang kaligayahan mo kapag nasa kamay mo na ito?

Hindi naman masama ang amining hindi ito nananatili nang matagal. Natural lang na mawala ang kaligayahan natin after a while, because our happiness in material things, even in relationships, really may not last.

Pero may magandang balita kami sa iyo. Mayroon ding kaligayahang hindi kumukupas. Sa series natin ngayong linggo tungkol sa pagiging masayahin ng ating Panginoon, tingnan natin itong nakasulat sa Bible tungkol sa ligayang walang hanggan:

Itinuro ninyo sa akin ang landas patungo sa buháy na puno ng kasiyahan,
at sa piling nĘĽyo, aking matatagpuan ang ligayang walang hanggan. (Salmo 16:11 ASND)

Nakikita mo ba? Meron palang buhay na puno ng kasiyahan, at gusto pala itong ibigay ng Panginoon sa atin. Gaya ito ng Sinabi Niya sa Juan 10:10:

“Dumarating ang magnanakaw upang nakawin at patayin ang mga tupa; kamatayan at pagkawasak ang dala niya sa kanila. Ngunit akoʼy naparito upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap.”

Buhay na ganap, buhay na puno ng kasiyahan—hindi ba gusto natin ito? At sa piling Niya matatagpuan ang ligayang walang hanggan!

Puwede mong gamitin ang mga Psalms as prayer. Just pray aloud Psalm 16:11. You can just read it aloud or use it to jumpstart your prayer. You can journal it, and you can even sing it. Basta ang importante ay gamitin mo ito sa iyong pakikipag-usap kay Lord.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan