Mag One-on-One with GodHalimbawa

Ikalimang Araw: Ang Magtiyagang Pagdarasal
Ubos na ba ang hininga mo sa iyong walang sawang pagdarasal? Natuyo na rin ba ang iyong luha sa iyong pagdaing?
Kadalasan ay meron tayong deadline sa ating mga idinadaing sa Diyos. Kaya kung hindi natin natatanggap ang Kanyang mga sagot based on our timeline o schedule, nauubusan tayo ng pag-asa. It becomes difficult to pray. At lalo nang mahirap magpasalamat sa mga biyayang tinatanggap na hindi natin inasahan sa Panginoon.
Sinabi ni Apostol Pablo, “Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos” (Mga Taga-Colosas 4:2). Ang ating prayer-life ay napakahalaga dahil ito ang makapagbibigay sa atin ng kasiyahan sa buhay. Hindi lamang ito lifeline in times of crisis. Hindi rin ito upang kulitin lamang ang Diyos sa ating pangangailangan. Ang pagdarasal ay dapat katumbas ng ating hininga, ang mismong buhay natin.
On-fire praying is what God is looking for! Yung excited ka sa iyong one-on-one time with God dahil it’s your special time to visit with one another. Hindi lamang ito para marinig ng Diyos ang iyong boses, kundi para marinig mo rin ang Kanya. Gawing makatotohanan ang oras na ito by allowing things to flow from your heart.
Pag-isipan:
1.Isulat ang isang pagkakataong nagtiyaga ka sa iyong pagdarasal? Anong kasagutan ang tinanggap mo sa Diyos?
2.Bakit mahalagang magtiyaga tayo sa ating pagdarasal? Ano ang mabuting resulta ng ating pagtitiyaga?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Alamin ang kahalagahan ng iyong prayer life at kung paano mo mapapabuti ito para sa isang mas magandang relasyon sa Diyos.
More
Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Masayahin ang ating Panginoon

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Prayer
