Mag One-on-One with GodHalimbawa

Ikaapat na Araw: Sa Panahong Inaakalang Tahimik ang Panginoon
Paano kung ang iyong dasal ay hindi pa rin sinasagot? Naiinip ka na ba? Galit ka na ba sa Panginoon because you think He doesn’t care about you?
Pagkatapos patayin ni Elijah ang mga propeta ni Baal, ipinahatid ni Jezebel ang balitang ganito rin ang gagawin sa kanya. Kaya natakot si Elijah at nagpunta sa Beer-sheba. Mag-isa siyang pumunta sa ilang. “Pagkatapos ng maghapong paglalakad ay naupo sa ilalim ng isang puno at nanalangin nang ganito: ‘Yahweh, kunin na po ninyo ako. Ako po’y hirap na hirap na. Mabuti pa pong mamatay na ako’” (1 Mga Hari 19:4). Nahiga at natulog.
Bakit nagkaganito si Elijah? Successful siya sa nangyaring labanan pero his lack of faith brought him fear. Nakaramdam tuloy siya ng burnout at stress dahil ilang pagkakataon ding siya ay nahiga at natulog, at ginising ng isang anghel at pinagsabihang kumain. Elijah looked for God and found Him in an unexpected way.
Tulad ni Elijah, madalas nating hanapin ang kasagutan ng Panginoon in dramatic revelations, tulad ng pagsabog ng bundok, lindol o kidlat. Hindi tuloy natin namamalayan na ang sagot Niya ay inihatid na sa isang “banayad na tinig” (v.12). Maraming paraang ginagamit ang Panginoon sa paghatid ng Kanyang kasagutan kaya minsan ay inaakala nating tahimik Siya. Makinig ka!
Pag-isipan:
1.Bakit nakakaramdam ang isang alagad ng Diyos ng fear, stress at burnout?
2.Tulad ni Elijah, nagdasal ka na rin bang mamatay na lamang dahil sa iyong sitwasyon? Bakit?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Alamin ang kahalagahan ng iyong prayer life at kung paano mo mapapabuti ito para sa isang mas magandang relasyon sa Diyos.
More
Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: luisacollopy.com
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Masayahin ang ating Panginoon

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Prayer
