Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

God Is With YouHalimbawa

God Is With You

ARAW 6 NG 6

Kailangan mo ba ng peace? 🕊️

Do you feel at peace right now, o naghahanap ka ba ng kapayapaan? Marami sa atin ang nakakaranas ng gulo sa buhay, kahit na hindi naman sa malaking pamamaraan, kundi sa mga maraming mga maliliit na bagay na nagpapagulo ng ating mga puso’t isipan.

Sa Bible, may kuwento tungkol kay Moses, ang pinili ng Panginoon upang magdala ng milyun-milyong Israelites paalis ng Egypt papunta sa Promised Land. Napakalaking responsibilidad nito, at napakahirap gampanan. Meron namang mga taong tumutulong kay Moses, ngunit iisa ang hiniling Niya sa Panginoon: ang samahan Niya sila sa bawat hakbang na kanilang gagawin.

Let’s read this conversation between Moses and the Lord as recorded in the Bible:

Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Lagi po ninyong sinasabi sa akin na pangunahan ko ang inyong mga mamamayan sa pagpunta sa lupaing ipinangako ninyo, pero hindi pa po ninyo ipinapaalam kung sino ang pasasamahin ninyo sa akin. Sinabi pa po ninyo na kilalang-kilala nʼyo ako at nalulugod kayo sa akin. Kung totoo pong nalulugod kayo sa akin, turuan nʼyo ako ng mga pamamaraan ninyo para makilala ko kayo at para mas matuwa pa kayo sa akin. Alalahanin po ninyong ang bansang ito ay bayan ninyo.”

Sumagot ang Panginoon, “Ako mismo ang sasama sa iyo, at bibigyan kita ng kapahingahan.” (Exodus 33:12-14 ASND)

Ang galing, ano? Gusto rin ni Lord na sumama sa atin, at bigyan tayo ng kapahingahan.

Kailangan mo ba ngayon ng kapahingahan? Alamin mong kasama mo si Lord! Maaari mo itong dasalin: “Jesus, gusto ko ring kasama Ka sa lahat ng aking ginagawa. Bigyan Mo ako ng kapahingahan. Salamat, Lord. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

God Is With You

7-day Reading Plan Patungkol sa God Is With You

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle