God Is With YouHalimbawa

Are you in a new season of life? 📖
What season of life are you in right now? Nag-aaral ka ba, nagtatrabaho? Bagong kasal, bagong magulang? May dinadanas ka bang pagbabago in terms of your life season? Hindi madali ang dumaan sa mga pagbabago, whether they are good changes or bad changes. Kahit sa mga magagandang pagbabago, we have a lot of adjustments or challenges to face.
Sa Bible, may kuwento kung saan matanda na si Moses at kailangan na ng Israel to have a new leader. The Lord chose Joshua, and under Joshua, maraming kailangang gawin ang Israel papunta sa pinangakong kalupaan sa kanila, which includes defeating their enemies in those lands.
Let’s read the following verse, na naging bahagi ng farewell speech ni Moses to the Israelites:
Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Dios ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man. (Deuteronomy 31:6 ASND)
Nakikita mo ba? Kahit sa ganoong napakahirap na sitwasyon ng Israel sa panahong madami silang kaaway at nakakatakot ang lahat ng mga ito, may pangako si Lord: na kasama nila Siya, at hindi Niya sila iiwan o pababayaan. Kaya, kung ikaw ngayo’y may pinagdadaanang nakakatakot, maaari mo ring tanggapin ang pangako Niyang ito.
Kumuha ng notebook and let’s practice journaling our thoughts and feelings from this verse. Puwede kang magsulat tungkol sa pinagdadaanan mo ngayon na nagdudulot ng takot sa iyo. Then, write down the Lord’s encouragement and promise for that situation: na magpakatatag ka at magpakatapang, at huwag matakot dahil ang Panginoon, na iyong Diyos, ay kasama mo, at hindi ka Niya iiwan o pababayaan magpakailanman.
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa God Is With You
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle