Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

God Is With YouHalimbawa

God Is With You

ARAW 5 NG 6

Anxious ka ba sa mga gawain? 😖

Nakaranas ka na bang mabigyan ng malaking responsibilidad na natatakot kang gawin? You might feel confused, or anxious, or afraid that you might make a mistake or not do it well.

Alam mo bang maraming tao pala sa Bible ang nakaranas din ng ganoong pakiramdam? Kung matagal ka nang nakakatanggap ng mga emails namin, maaalala mong napag-usapan natin sa series na ito ang kuwento ni Moses at Joshua. Noong matanda na si Moses at patapos na ang pagiging leader niya ng Israel, pinili ng Panginoon si Joshua na papalit sa kanya. Napakarami ang mga Israelites sa panahong iyon, at napakabigat na responsibilidad ang ibinibigay kay Joshua. Naiisip mo ba kung ano kayang mga bagay ang pumasok sa isipan ni Joshua?

Pero tingnan natin itong sabi ng Panginoon sa kanya:

Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Dios, ay sasaiyo kahit saan ka pumaroon. (Josue 1:9 ASND)

Nakikita mo ba? Kahit gaano kalaki ang responsibilidad na binibigay sa atin, o kahit ano pa ang mga kailangan nating gawin, kasama natin si Lord. His presence will go with us, at ito ang magpapatatag at magpapatapang sa atin. Tutulungan Niya tayong malampasan ang takot at pagkadismaya.

Kung natatakot ka ngayon o nadidismaya, puwede mong isulat ito sa iyong journal o notebook. Ikuwento mo ang lahat sa Kanya. Sa huli, dasalin natin ito: “Lord, nakakatakot ang pinagdadaanan ko ngayon, pero tumatayo ako sa pangako mong mapapasaakin ka kahit saan ako paroroon. Tulungan mo akong magpakatatag at magpakatapang, at tulungan Mo akong hindi matakot o manghina. Salamat, Jesus. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

God Is With You

7-day Reading Plan Patungkol sa God Is With You

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle