Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Alay Ni JesusHalimbawa

Ang Alay Ni Jesus

ARAW 4 NG 7

Hindi ka taga-dito sa mundo! 🌏

Naranasan mo na bang mag-isip na parang si Jesus yata ang talo kasi Siya ang nagmamay-ari sa iyo? Siguro nangyayari ito kapag kinakaharap mo ang mga kahinaan mo bilang isang tao.

Pero alam mo ba kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito? When Jesus died on the cross on your behalf, He became sin, at ikaw naman ay naging katuwiran ng Diyos sa Kanya (2 Corinto 5:21). Talaga, ginawa ka Niyang ganap na banal, kaya naman ang Banal na Espiritu ay maaaring manirahan sa puso mo!

The closest picture of what Jesus paid for when He paid for your salvation can be seen sa reaksyon ni Adan nang makita niya si Eva (Genesis 2:23): “Narito na ang isang tulad ko! Buto na kinuha sa aking mga buto, at laman na kinuha sa aking laman.”

Alam mo bang ang lahat ng nasa Old Testament ay foreshadowing of the coming of Jesus? Nakikita natin dito ang larawan ni Jesus at ng Kanyang bride: si Adan ay inihulog sa malalim na pagtulog at mula sa kanyang tagiliran ay lumabas si Eva. Ang huling Adan, si Cristo, ay ipinako sa kamatayan, at mula sa Kanyang tagiliran na tinusok ng sundang ng Romanong sundalo, lumabas ang Kanyang bride, we who are His church.

Ano ang sinabi ni Jesus nang makita Niya ang Kanyang bride? Read this aloud:

“O irog ko, ang lahat sa iyoʼy maganda. Walang maipipintas sa iyo.” (Awit 4:7 ASND).

Anuman ang kagandahan ni Jesus, ibinibigay Niya sa’yo. Katulad ng kagandahan ng sacrificial lamb na inaalay sa Diyos, ito ay ibinibigay din sa nag-aalay; ibig sabihin, ang lahat ng meron Siya, meron ka na rin!

Totoo, hindi ka taga-dito sa mundong ito. Isa kang miracle!

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Alay Ni Jesus

7-day Reading Plan na Ang Alay Ni Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day