Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Alay Ni JesusHalimbawa

Ang Alay Ni Jesus

ARAW 3 NG 7

May nais bang makasama ka habambuhay? đź‘«

Noong bata ka pa, was your picture of God somebody who was emotionless, na nakaupo sa isang gintong trono sa langit, at tinitingnan lang tayo sa lupa na parang walang pakialam? At kapag dumating tayo sa langit, maghihintay lang tayo, magpapalipas ng oras na parang wala lang…habambuhay?

May balita ako sa iyo: Hindi ganun ang Panginoon natin!

Ang Panginoon ng Biblia ay puno ng malalakas na emosyon at pagmamahal? Siguro naiisip mo na yung “malakas na emosyon” ay puro lang galit at poot. Pero alam mo ba na puno Siya ng apoy ng pagmamahal para sa’yo?

Basahin natin ito:

“Ama, gusto ko sanang makasama sa pupuntahan ko ang mga taong ibinigay mo sa akin, para makita rin nila ang kapangyarihang ibinigay mo sa akin, dahil minahal mo na ako bago pa man nilikha ang mundo.” (Juan 17:24 ASND)

Bakit nga ba ipinasya Niyang magplano ng ganun kalupit at kakomplikadong paraan para sa ating kaligtasan? Mula pa sa simula ng panahon, He was already waiting for the time for the Messiah, or the Chosen One, to come. Babayaran Nito ang lahat ng kasalanan ng bawat tao sa buong kasaysayan ng sangkatauhan, as the greatest way to show His love. At pinagdaanan Niya lahat ng sakit na iyon dahil may isang napakalaking pagnanasa sa puso Niya: ang makasama ka Niya magpakailanman!

Isipin mo, gaano kalaking pagnanasa ang kailangan para hindi Niya isipin kung anong mangyayari sa Kanya! Noong pumunta Siya dito sa lupa bilang tao, alam Niya na ipapahiya Siya, pagtatawanan, at sa huli, ipapako Siya sa cross ng mga taong Kanyang nilikha. Talaga, paulit-ulit Niya itong binanggit sa Kanyang mga tao sa buong kasaysayan!

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Alay Ni Jesus

7-day Reading Plan na Ang Alay Ni Jesus

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day