Ang Alay Ni JesusHalimbawa

Tanggapin mo ba si Jesus? 🤗
Familiar ka ba sa communion? Malamang, kung nagsisimba ka, either nakikita or nagagawa mo ito. Kapag oras na ng komunyon, iniisip natin, “Ah, ok, oras na para alalahanin na namatay si Jesus para sa akin.” At totoo naman ito.
But did you know that in the eyes of the Jews, yung pag-abot ni Jesus ng kalis ng alak noong gabing iyon ng Passover ay may posibleng isa pang kahulugan? Sa kultura ng mga Judeo noong panahon ni Jesus, when a man is about to propose marriage to a woman, it is done in a gathering called a banquet of wine (Song 2:4). Sa salo-salong ito, naghahanda ang lalaking ikakasal ng baso ng alak at inilalagay ito sa harap ng babae. Ang ibig sabihin nito ay, "Ito ako, ito ang lahat-lahat ko. Tatanggapin mo ba ako?"
At kapag kinuha ng babae ang baso at uminom mula rito, ibig sabihin tinatanggap niya ang lalaki. And from that moment on, they are considered betrothed, bound by a commitment to marry each other. Isa pang pagkakaiba ng kultura ng mga Judeo sa mga modernong kultura ay ang betrothal (o engagement), na para sa kanila, parang kasal na ito.
Ngayon, naisip mo ba kung ano ang ginagawa ni Jesus nang iabot Niya yung kalis ng alak sa mga disipulo? Yung kalis ng alak ay talaga ngang simbolo ng, "Ito ako, ito ang lahat-lahat ko," dahil ito ay kumakatawan sa Kanyang dugo na ibubuhos Niya sa krus para sa atin!
And when you accept Him, you belong to Him, you are now betrothed to Him... at ngayon, sabay-sabay nating hinihintay ang pagbabalik ng ating Bridegroom na ibinigay ang lahat para sa atin!
Sa susunod na mag-komunyon ka, alalahanin mo ito bilang simbolo ng Kanyang pagmamahal, a reminder of His proposal to you... hanggang sa muli Niyang pagbalik.
Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan na Ang Alay Ni Jesus
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day