Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng KababaihanHalimbawa

The Battles Women Face

ARAW 6 NG 7

 

Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan: Mga Salita

Naramdaman mo na ba yung parang may butas sa sikmura mo matapos mong ikwento ang isang bagay na hindi mo dapat naikwento, o naging padalos-dalos sa pagsasalita?

Madalas ay parang maganda sa pakiramdam ang tsismis dahil parang maganda ito pakinggan o ibahagi. Kadalasan, maaari pa nga tayong makaramdam ng panandaliang kasiyahan kapag malisyosong nagsasalita, nangungusap nang may panunuya o nagbibigay ng bastos na komento. Sa pamayanang Cristiano, madali ang magtsismis sa ilalim ng pagkukubli na pagbabahagi upang maipanalangin. Hindi mahirap ang magpakalat ng mapanakit na mga salita.

Gayunpaman, kapag sinundot ng konsensya natin ang ating espiritu, nakakaramdam tayo ng pagsisisi at pagkahiya. Ipinapaalala sa atin ng mga babasahin ngayon na ang mga salitang ginagamit natin ay isinisiwalat ang ating puso. Nasaan ang puso mo?

Mahirap nang bawiin ang kasiraan na dulot ng tsismis o masasakit na salita, ngunit mayroong mga paraan upang maiwasang gawin ang pagkakamaling ito at mga paraan upang maayos ang pagkasira kung ito man ay nangyari na.

Narito ang ilang mga praktikal na pamamaraan upang mabantayan ang ating mga pananalita:

  • Maghinay-hinay: Mag-isip muna bago magbitaw ng salita. Napakaraming sinasaad ang Biblia tungkol sa pagbabantay sa ating mga bibig at pagsasalita ng hindi maganda.
  • Bawasan ang Pagsasalita: Ipinapayo ng Biblia sa ating iwasan ang mga taong tsismoso o tsismosa at sinasabi rin na tayo ay itinuturing na may karunungan kapag pinipigilan natin ang ating dila. Maililigtas natin ang ating sarili sa labis na kahihiyan at pagsisisi kung alam natin kung paano tumahimik. Minsan, mas mahalaga ang pakikinig kaysa sa pagsasalita.
  • Pagpigil sa Kasiraan: Ano ang ginagawa mo kapag ang mga salita mo ay nakapanakit ng tao? Magpakumbaba at humingi ng kapatawaran. Pinalalaya mo ang iyong sarili sa pagiging bilanggo ng iyong mga salita. Huwag nang patagalin pa ito. Mas maagap mong hinaharap ang sakit na dulot ng iyong pananalita, mas maaga mo ring pinalalaya ang iyong sarili.
  • Itanim ang Salita ng Diyos sa iyong Puso: Ang pagkakaroon ng disiplinadong tahimik na oras kasama ng Diyos ay nagdudulot sa iyong manatili sa Kanyang Salita. Inilalagak ng Diyos ang Kanyang karunungan sa iyo upang makaiwas ka sa pakikipagtsismisan at sa halip ay maging tagapagpalakas ng loob ng iba sa pamamagitan ng iyong mga salita.

Sa susunod na natutukso kang ibahagi sa iba ang ilang malamang kuwento, tanungin mo muna ang sarili mo: Mabuti ba ito? Makakatulong ba ito? Kailangan ba ito? Kung ang sagot ay hindi, mas mabuti pang manahimik na lamang tungkol sa usaping ito.

Isinisiwalat ng mga salitang ginagamit natin ang ating kalooban. Nawa ang mga labi natin ay mangusap ng katotohanan at kabutihan sa mga tao sa paligid natin upang makita ng iba si Cristo na naghahari sa ating puso.

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

The Battles Women Face

Sa pitong-araw na debosyonal na ito, tuklasin kung paano kang magiging handa sa mga laban na kinakaharap natin sa araw-araw.  Ang seryeng Ang Mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan ay tatalakay ng mga paksa mula sa m...

More

Nais naming pasalamatan ang Whispers & Fringes sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.whispersandfringes.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya