Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng KababaihanHalimbawa

The Battles Women Face

ARAW 3 NG 7

 

Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan: Pagkakakilanlan

May isang matandang babae na lumakad patungo sa counter ng botika at mahinang nagsabi sa aming kawani, “Maaari MO ba akong tulungan?…Ayaw ko SIYA.… Ang mga katulad NIYA ay marumi.”

Ako ang ‘SIYA’ na tinutukoy ng babae, habang ako ay nakatayo malayo sa counter.

Bukod sa ilang pang-aasar ng isang bully noong ako ay nasa paaralan, ito ang unang beses kong maranasan ang pang-uuri batay sa lahi. Mahigit isang dekada na ang lumipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon, ngunit naaalala ko pa ang pakiramdam ko nang sandaling iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginig ang boses ko. Nakakasakit ang mga salitang iyon.

Ngunit alam ko kung sino ako. At hindi ako marumi. Walang bahagi ng pagkatao ko ang naniwala o tumanggap sa mga kasinungalingang iyon. Alam ko kung sino ako (hanggang ngayon) kay Cristo.

Pinahahalagahan ako. Sagrado ako. Sa Kanya ako.

Nakapagdadalamhating isipin na maraming mga tao ang hindi nauunawaan ang kanilang halaga. Naniwala sila sa mga kasinungalingan ng kaaway na sinambit sa pamamagitan ng labi ng magulang, asawa, katrabaho, kakilala o estranghero.

Isinasaad sa ika-apat na kabanata ng Juan ang kasaysayan ng isang babaeng batid ang lupit ng pang-uuri at panghuhusga ng lipunan. Siya ay isang babaeng Samaritana na limang beses nang diborsyado. Noong mga panahong iyon, ang katayuan niyang ito ay nagsusumigaw ng kawalan ng halaga sa lipunan.

Ngunit labis kong ikinalulugod kung paano kumilos si Jesus at kung sino ang mga nilalapitan Niya. Sa walang kwenta at balewala sa lipunan na babaeng ito pinili ni Jesus na magbigay ng pag-asa at ipahayag ang kanyang Sarili.“Kung nalalaman mo lamang ang biyayang inilaan ng Diyos para sa iyo…. Ako ang Tagapagligtas.”

Isang pagtatagpo lamang kay Cristo at ang kawalang-halaga ng babaeng ito ay naibaon sa limot at isang bagong pagkakakilanlan ang umusbong.

Maaaring pinaniwalaan mo ang mga panlilinlang ng kaaway. Ang magulang na dapat nagpapalakas ng loob mo, ngunit hindi nangyari. Ang asawa na nangakong pahahalagahan ka, nagsinungaling.

Anuman ang pinagdadaanan mo, huwag mong hayaan ang tinig ng kaaway na makapasok sa iyong espiritu at pabagsakin ka. Sa halip, hayaan mong punuin ka ng salita ng Mesias at bigyan ka ng pag-asa, “Kung alam mo lamang ang handog ng Diyos para sa iyo.”

Pinakamahalaga sa lahat, ipinapanalangin ko na maipaalala sa iyo ng mga salita ng Mesias ang tunay mong pagkakakilanlan.

Mahalaga ka. Sagrado ka. Sa Kanya ka. *

(Mula sa mga liriko ng Beautiful ng Mercy Me)

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Battles Women Face

Sa pitong-araw na debosyonal na ito, tuklasin kung paano kang magiging handa sa mga laban na kinakaharap natin sa araw-araw.  Ang seryeng Ang Mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan ay tatalakay ng mga paksa mula sa m...

More

Nais naming pasalamatan ang Whispers & Fringes sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.whispersandfringes.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya