Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ayon sa Puso ng DiyosHalimbawa

After God's Own Heart

ARAW 4 NG 5

KASALANAN AT PAGSISISI

Nang una akong natutong magmaneho, sinabihan ako ng aking ina na iatras ang kanyang sasakyan palabas sa garahe bago kami umalis para sa ilang mga kailangang gawin. Kinuha ko ang kanyang susi at sinimulang iatras ito, ngunit habang ginagawa ito, nakayod ko ang kanyang unahang bumper sa dingding. Akala ko ay magagalit siya, kaya agad akong nag-isip ng mga paraan kung paano pagtatakpan ang nangyari. Sa kabutihang palad, huminga ako nang malalim, at sa halip ay nagpasiya na sabihin sa kanya ang totoo. Pasalamat ako na agad niya akong pinatawad! Kailangan ko pa ring ayusin ang sasakyan, ngunit ang lahat ng aking takot at pagkabahala ay nawala nang magdesisyon akong ipagtapat ang aking ginawa.

Narito ang isang hindi matatakasang katotohanan: lahat tayo ay makasalanan. Ang bawat isa sa atin, minsan sa ating buhay, ay nakagawa ng isang bagay na hindi dapat gawin. Malamang, naranasan din ng bawat isa sa atin ang sandali ng pagpapasiya pagkatapos tayong magkasala. Takot nating tinatanong ang ating sarili "Dapat ba akong magsabi ng totoo sa ginawa ko, o dapat ko bang itago ito?" Sa totoo lang, inaasahan nating lahat na ang ating kasalanan ay mananatiling nakatago, ngunit hindi ito talagang nangyayari.

Sa 2 Samuel 11-12, natutunan ni David ang aral sa mahirap na paraan. Ang paulit-ulit niyang kasalanan ay nagsimula sa kanyang desisyon na huwag sumamang makipagdigma sa mga natitira niya pang hukbo. Sa halip, nanatili siya sa Jerusalem at nangalunya kay Batsheba, ang asawa ng kanyang tapat na sundalong si Urias. Nang nalaman niya na nagdadalang-tao si Batsheba, ginawa niya ang lahat sa kanyang makakaya upang pagtakpan ito, sa kalaunan ay pinapatay si Urias sa labanan. Malamang na iniisip ni David na matagumpay niyang naitago ang kanyang kasalanan, ngunit walang maitatago sa Diyos. Ipinadala ng Diyos si Natan upang harapin sa David tungkol sa nangyari, at sa wakas ay umamin si David. Bagaman kailangan niya pang tiisin ang ng mga kinahinatnan ng kanyang ginawa, napagtanto niya ang gawa ng Panginoon at nagpasiya na purihin at sambahin siya.

Madaling tingnan ang kasalanan ni David at isipin "Mabuti na lang at hindi ako nakagawa nang ganoon kasama." Ngunit alam natin na ang lahat ng kasalanan ay mapanira, gaano man kalaki o kaliit. Nais nating manatiling nakatago ang ating mga kasalanan, ngunit wala tayong ginagawa, sinasabi, o maging iniisip na lingid sa Diyos. Gayunman, sa kabila ng katotohanan na alam Niya ang lahat ng ating nagawang mali, nais pa rin ng Diyos na ibuhos ang Kanyang kapatawaran sa atin. Kapag tayo ay nagkasala mayroon tayong dalawang pagpipilian: itago ito at hayaang ang ating kahihiyan at pagkakasala ay mamalagi sa atin hanggang ito ay mahayag, o ipagtapat ito sa Diyos, na nakakaalam ng lahat ng ating nagawa at napatawad na tayo. Iniisip ko kung gaano kalaki ang kagalakan at kalayaan na mararanasan nating lahat, kahit ngayon, kung pipiliin lang natin na lumakad sa liwanag.

TANUNGIN ANG IYONG SARILI: Ano ang mga bagay na itinago mo na nagpapabigat sa iyo? Gaano ka makakalaya kapag sasabihin mo ito sa iba? Nakapanalangin ka na ba at nagtapat sa Diyos? Sino sa iyong buhay ang masasabihan mo palagi at kasama mong lalakad sa liwanag?

Tungkol sa Gabay na ito

After God's Own Heart

Si Haring David ay inilarawan sa Bagong Tipan bilang isang tao ayon sa sariling puso ng Diyos, ibig sabihin ay inihanay niya ang kanyang sariling puso sa puso ng Diyos. Habang pinag-aaralan natin ang buhay ni David, ang layunin natin para sa seryeng ito ay suriin ang mga bagay na ginawa ni David sa 1 at 2 Samuel upang hubugin ang ating mga puso ayon sa Diyos at maging kasing init ni David sa pagtutuon at sa espiritu na nakita sa buong buhay niya.

More

Nais naming pasalamatan ang Grace Bible Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.grace-bible.org/college