Ayon sa Puso ng DiyosHalimbawa

KASIYAHAN AT PAGTITIYAGA
Naalala ko ang isang panahon na malapit na akong magtapos ng kolehiyo nang magsimulang tanungin ko ang aking sarili “Ano ang kalooban ng Diyos para sa aking buhay?” partikular sa anong trabaho ang dapat kong simulan, ang uri ng tao na dapat kong pakasalan, at maging kung saan ako susunod na lilipat. Ang mga kaisipan at katanungan tungkol sa hinaharap ay nagsimulang magbunga ng pagkabahala at stress. Napakaraming mga hindi alam na dapat na isaalang-alang at maraming mga pagkakamali na maaaring magawa. Nais kong italaga ang aking buhay sa Diyos, hindi ko lang alam kung ano ang gusto ng Diyos na gawin ko sa sandaling ito. Bakit hindi na lang sabihin sa akin ng Diyos at pagkatapos ay aktibo akong patnubayan? At bakit pinapayagan Niya ang mga komplikasyon at paghihirap sa aking buhay?
Nang binabasa ko ang kuwento ni David, napagtanto ko na kahit ang buhay ni David ay ibang-iba sa aking buhay, may katotohanan na nagbubuklod sa aming karanasan: Ang kalooban ng Diyos sa ating buhay ay hindi kasing simple na gusto natin. Sa 1 Samuel, si David ay pinili ng Diyos na siyang magiging hari ng Israel, subalit mga 15 taon pa bago si David ay aktwal na naputungan. Sa panahong ito, si David ay matagumpay sa lahat ng kanyang ginagawa dahil pinagpapala ng Diyos ang kanyang mga pagsisikap. Gayunman, ang tagumpay ni David ay nagging dahilan na mainggit si Haring Saul at ang inggit na ito ay unti-unting nauwi sa isang mas malaking antas ng karahasan laban kay David. Habang tumatakas sa mga pagtatangka sa kanyang buhay at tinatakbuhan ang hukbo ni Saul, napagtiisan ni David ang kalituhan sa pagiging hinirang ng Diyos upang maging hari ng Israel habang patuloy na inaatake ng kasalukuyang hari.
Nang una ko itong nabasa, naging interesado ako na ang landas ni David sa pagiging hari ay tila napakahirap. Parang tayo ay tinawag upang gumawa ng mga dakilang bagay para sa Panginoon, ngunit sa proseso, nakakaranas tayo ng mga hadlang sa ating mga hangarin. Inaasahan natin na mamuhay ayon sa Kanyang kalooban, ngunit hindi natin nauunawaan kung paano ito iaakma sa mga paghihirap, stress, at ang lahat na nangyayari sa ating buhay.
Sa mga panahong ito ng kalituhan, mahalaga na magtiwala na alam ng Diyos ang Kanyang ginagawa. Karamihan sa mga mahihirap na sitwasyon na nararanasan natin ay mga sandali na kung saan ipinapakita natin ang ating pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya. Maaaring tumagal ng maraming buwan o taon upang maunawaan kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyong buhay. Sa halip na mag-alala sa kung ano ang susunod na mangyayari, tumuon sa paghahanap ng iyong kasiyahan sa Diyos at kung saan ka Niya inilagay ngayon. Ang pagtuon na ito sa kasalukuyang sandali ay tumutulong sa atin na manatiling nakaugat sa pagsasabuhay ng ebanghelyo at pagmamahal din sa iba. Pagkatapos, linangin ang isang saloobin ng pagtitiwala na matiyagang hinahanap kung ano ang tinatawag ng Diyos na gawin mo ngayon at sa hinaharap, habang nagtitiwala na Siya ay mayroong plano. Kapag ginawa natin ito, nagbibigay-daan sa atin ito na mapagtiisan ang mga panahon ng kahirapan at ituturo tayo nito sa mas dakilang pag-asa.
TANUNGIN ANG IYONG SARILI: Kapag ako ay dumaranas ng mga paghihirap, kaya ko bang tunay na magtiwala sa Diyos at sa Kanyang plano para sa aking buhay? Nakikita ko ba ang aking kasiyahan sa Kanya, o humahanap ako ng kagalakan at kaligayahan sa ibang bagay?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Si Haring David ay inilarawan sa Bagong Tipan bilang isang tao ayon sa sariling puso ng Diyos, ibig sabihin ay inihanay niya ang kanyang sariling puso sa puso ng Diyos. Habang pinag-aaralan natin ang buhay ni David, ang layunin natin para sa seryeng ito ay suriin ang mga bagay na ginawa ni David sa 1 at 2 Samuel upang hubugin ang ating mga puso ayon sa Diyos at maging kasing init ni David sa pagtutuon at sa espiritu na nakita sa buong buhay niya.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Prayer

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Mga Sulat ni Juan
