Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ayon sa Puso ng DiyosHalimbawa

After God's Own Heart

ARAW 1 NG 5

AYON SA PUSO NG DIYOS


Noong bata ka pa, marahil sumama ka sa iyong mga magulang papunta sa pamilihan at pinanood silang pumili sa mga prutas, pinipili ang mga may pinakamataas na kalidad. Naaalala ko ang aking ama na kumukuha ng isang pakwan at sinusubukan ito sa pamamagitan ng dalawang tapik. Kapag narinig niya ang perpektong hungkag na katok, sasabihin niya, "Maganda iyan!" Sa aking pagtanda nagsimula akong bumili ng aking sariling mga pagkain, at sinimulan kong ipagpatuloy ang kaugalian na ito na pagtapik sa sa pakwan. Gayunman, napagtanto ko na ang mga panlabas na mga obserbasyon na ito ay hindi ganap na ipinahahayag ang panloob na kalidad ng pakwan. Sa parehong paraan, ang paggawa ng mga panlabas na obserbasyon tungkol sa ibang tao ay nagpapakita sa iyo nang kaunti ng kanilang pagkatao. Ang kanilang puso ang naghahayag ng malalim na katotohanan ng kanilang panloob na mga katangian.


Alam at nauunawaan ng Diyos ang kaibuturan ng ating mga puso at napatunayan ito sa buhay ni David, ang isang tao na "ayon sa sariling puso ng Panginoon." Sa kultura ngayon, madalas na pinapahalagahan tayo sa kung saan tayo nakatira, kung ano ang hitsura natin, at kung ano ang kaya nating maibigay. Kung minsan parang mas madali na husgahan ang isang tao kaysa sa daanan ang proseso na pagkilala sa kanila. Habang binabasa natin ang 1 Samuel 16, nakikita natin ang ama ni David na si Jesse na dinala ang lahat ng kanyang malalakas na malalaking mga anak na lalaki sa harap ni Samuel upang pahiran bilang isang magiging hari ng Israel. Maging si Samuel ang saserdote ng Panginoon, ay unang pumipili ayon sa hitsura, inaakala na nais ng Diyos na pahiran ang isang malakas at magandang lalaki. Ngunit itinuwid ng Panginoon si Samuel, ipinaalala sa kanya na Siya ay pumipili ayon sa puso at hindi sa hitsura. Pinili Niya si David bilang magiging tagapamahala.


Tayo ay pinaaalalahanan na ang Panginoon ay pumipili ng Kanyang mga anak hindi ayon sa kung ano ang hitsura nila, kung gaano sila kalakas, kung gaano karaming tao ang kilala nila, o maging kung gaano karaming pera ang kinikita nila. Pinipili tayo ng Panginoon dahil mahal Niya tayo at ninanais na maunawaan natin ang Kanyang puso. Ang kanyang pag-ibig ay nagbibigay sa atin ng isang kaligtasan na hindi nakukuha kundi ibinigay nang libre na binayaran ng dugo ni Cristo. Ngunit, madalas ay hinahangad nating makamit ang alinman sa pag-ibig ng Panginoon o ng pag-ibig ng Mundo sa pamamagitan ng paraan ng ating pamumuhay. Ang ating puso, oras, at bawat lakas ay nagpapakita kung ano talaga ang ating minamahal at hinahabol.


Kaya habang binabasa natin ang kuwento ni David at natututunan kung paano tayo minamahal ni Cristo, nagsisimula nating maunawaan kung paano tayo dapat mamuhay sa isang paraan na nagpapakita ng pag-ibig ni Cristo sa iba hindi dahil sa kung anong hitsura nila, kundi dahil sila ay nilikha ayon sa wangis ng Panginoon.


TANUNGIN ANG IYONG SARILI: Kinikilala mo ba na ikaw ay minahal ng Diyos kahit anupaman? Anong mga hakbang ang gagawin upang mas maging katulad ng puso ng Diyos ang iyong puso?


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

After God's Own Heart

Si Haring David ay inilarawan sa Bagong Tipan bilang isang tao ayon sa sariling puso ng Diyos, ibig sabihin ay inihanay niya ang kanyang sariling puso sa puso ng Diyos. Habang pinag-aaralan natin ang buhay ni David, ang ...

More

Nais naming pasalamatan ang Grace Bible Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.grace-bible.org/college

Mga Kaugnay na Gabay

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya