Hindi OkayHalimbawa

Kung nakapaglaro ka na ng dama, alam mong medyo simple lang ang simula nito. Mayroon kang mga maliliit na pitsa, at susubukan mong dalhin sila sa kabilang panig ng board nang hindi matatalunan. Hindi naman ito masyadong mahirap.
Ngunit sa sandaling makarating ka sa kabilang panig ng board, ano ang mangyayari? Magiging dama ka. Ang isang pitsa ay inilalagay sa itaas, at ikaw ay makikipagtulungan sa isa sa iyong mga pitsa upang maging mas mapanganib. Ngayon, maaari kang gumawa ng ilang pinsala. Maaari kang lumipat sa anumang direksyon na gusto mo. Mas madali kang makakatalon sa iyong kalaban. Parang mayroon kang matinding kapangyarihan!
Kung sinuman ang nakaimbento ng dama ay naunawaan na kapag ikaw ay nakipagtulungan sa ibang tao, mas marami kang magagawa. Iyan ang dahilan kaya ang dalawang pitsa ay mas epektibo kaysa sa isa. Kapag ikaw ay nakipagtuwang sa isang tao, ikaw ay may kakayahang gumawa nang higit pa.
Kaya naman mahalaga din para sa atin na makipagtuwang sa isa't isa. Tototo ito lalo na kung may kaibigan ka na nahihirapan sa pag-aalala at stress. Kung ikaw mismo ay nahirapan din sa pag-aalala, alam mo kung paano makaramdam na ikaw ay nag-iisa. Nagsisimula kang makaramdam na parang ikaw lang ang nakakaalam kung ano ito.
Ngunit kung may kasama ka, alam mong hindi ka nag-iisa, at mas madaling humarap sa mga hamon sa buhay kung alam mo na may sumusuporta sa iyo. Tinatawag ito ng Biblia na "pagpapatibay sa isa't isa." Kaya, sa susunod na kailanganin ng tulong ng isang kaibigan, tandaan kung gaano karami ang magagawa ninyong dalawa nang magkasama.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

Mag One-on-One with God

Sa Paghihirap…

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Ang Kahariang Bali-baliktad

Nilikha Tayo in His Image

Masayahin ang ating Panginoon

Prayer
