Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 22 NG 28

Sino ang mga taong nauugnay sa iyong stress? Maging ito man ay isports, paaralan o stress na may kinalaman sa pamilya, karaniwan ay may isang tao na makakaunawa o makakakonekta sa iyong nararamdaman. Ang pakikipag-usap sa mga taong ito tungkol sa stress ay naiiba dahil sila may mayroong isang sanggunian para sa ating mga problema. Maaari silang magtanong sa atin ng partikular at makabuluhang mga tanong sa halip na sabihin lamang na, "Magiging maayos ka rin." Kapag ibinabahagi natin ang mga stress sa mga tao na nakauunawa sa mga ito, tinutulungan nila tayo na patunayan ang ating mga karanasan at binibigyan tayo ng puwang upang balangkasin ang ating mga iniisip.

Sa pagbasa ngayon, makikita mo si Jesus na gumagawa ng parehong bagay. Kinausap Niya ang Kanyang mga taga-sunod tungkol sa kanilang mga pag-aalala at sinabi sa kanilang ihambing ang kanilang mga alalahanin sa mga bahagi ng kalikasan. Hindi Niya sinusubukang iwasan ang kanilang mga nararamdaman, kundi inaanyayahan Niya sila na simulan ang pagproseso ng kanilang mga alalahanin at stress sa isang bagong paraan.Pinagtibay Niya ang kanilang mga kaisipan at pananaw sa mundo at itinuro sa kanila na makita kung paano naglalaan ang Diyos para sa kanila. Kinilala Niya kung gaano kalaki ang kanilang kinakaharap at ipinakita sa kanila na tunay na nagmamalasakit ang Diyos para sa kanila.

Pagdating sa ating mga sariling alalahanin, kung minsan maaari rin nating gamitin ang kaunting pagpapatibay, Marahil ay nakalimutan natin kung gaano tayo maaaring magtiwala sa Diyos na mag-aayos ng mga bagay-bagay para sa ating ikabubuti. Kapag naibahagi natin ang ating mga alalahanin sa mga tao na nakakaunawa, makakatulong sila na baguhin ang ating pagtuon sa kung paano ipinapakita ni Jesus kung ano ang Diyos. Sa tulong nila, maaari mong tandaan kapag nakakaramdam ka ng pag-aalala, si Jesus ay mapagkakatiwalaan.

Banal na Kasulatan

Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org