Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 25 NG 28

Kung nakapaglaro ka na ng baseball o may pangkalahatang ideya ka ng laro, alam mo ang isang panuntunan para makatiyak na matatamaan mo ang bola kapag handa ka nang pumalo. Kung ito man ay isang magulang na nagtuturo sa iyo kung paano maglaro ng tee ball o isang coach sa mga pangunahing liga, lahat sila ay magsasabi sa iyo ng parehong bagay: "Tumutok ka sa bola."

Kung ganoon lang sana kadali, di ba? Halimbawa, kung ang paglalaro ng baseball ay kasing simple lamang ng pagtutok sa bola, kung gayon, lahat tayo ay magiging mahusay sa baseball. Ngunit hindi ito ganoon kadali.

Kung minsan, parang ganyan kapag ang mga tao ay nagsasabi sa iyo na magtiwala sa Diyos ng iyong mga pag-aalala at alalahanin. Oo, ito ay mukhang magandang payo. Ngunit katulad ng kung paano na ang "pagtutok sa bola" ay hindi ganoon kadali, ang "magtiwala sa Diyos" ay hindi rin ganoon kadali. Paano tayo tunay na tutuon kay Jesus kung tayo ay stressed?

Sa Biblia, nauunawaan ni Pablo na ang "pagtitiwala kay Jesus" ay hindi palaging ganoon kadali. At sa Filipos, binigyan niya tayo ng sunud-sunod na hakbang na proseso kung ano ang maaring hitsura nito.

Ayon sa kanya, ang unang bagay na kailangan nating gawin pagdating sa pagtitiwala sa Diyos ay ang magsimula sa pagsasabi sa Diyos kung ano ang ipinag-aalala natin. Kapag dinala natin ang ating mga alalahanin sa Diyos, ipinapangako Niya sa atin ang isang kapayapaan na mas malakas kaysa sa lahat ng ating mga stress at pag-aaalala na pinagsama. Ang "Magtiwala sa Diyos" ay hindi isang mahika na aalisin ang lahat na ito, kundi ito ay isang unang hakbang para mapagtagumpayan ang ating mga pag-aalala.

Banal na Kasulatan

Araw 24Araw 26

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org