Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 20 NG 28

Naramdaman mo na ba na para kang isang perpeksyonista? Kung gayon, alam mo na medyo nakaka-stress ito. Palagi mong nalalaman na ang mga bagay ay maaaring mas magiging mabuti nang kaunti kung magsusumikap ka nang kaunti o gumugol ng mas maraming oras sa pag-aayos nito. Oo . . . nakakainis ito.

Hindi mo kailangang maging perpeksyonista upang mastress sa paggawa ng tamang bagay sa buhay. Napakaraming pamimilit upang gumawa nang mabuti, magkaroon ng kaalaman sa bawat isyu, at gumawa ng tamang desisyon. Maaari itong magsimulang tumindi at makaramdam ka na maging mapaghinala. Napakaraming desisyon ang dapat gawin sa maghapon at maraming nagtutulak upang gawin ito nang tama. Hindi ba't magiging maganda na tumigil sa pag-aalala tungkol dito sa pagkakataong ito? Ano ang mangyayari kapag ang stress sa paggawa ng mabuti ay naging sobra na?

Isinulat ni Pedro ang tungkol dito sa 1 Pedro, at sinabi niya, oo, kung minsan ang paggawa ng mabuting bagay ay maaaring nakaka-stress. Pinaalalahanan niya ang kanyang mga mambabasa na si Jesus ay nagdusa, rin. Kapag nakakaramdam tayo ng stress sa paggawa ng mabuti, maaari nating alalahanin na si Jesus ay naroroon. Alam Niya kung ano ang pakiramdam.

Kung tayo ay nag-aalala o stressed tungkol sa paggawa ng mabuti, ito ay karaniwang nangangahulugan na tayo ay nasa tamang daan. Ang mabuting balita ay pinagpapala ng Diyos ang mga taong nagsisikap na gumawa ng matatalinong pagpili, at magiging sulit ang pinagdadaaanan mo ngayon. Hindi mo kailangan maging perpeksyonista; matututunan mong umasa sa Kanya na perpekto na.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org