Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na PatnubayHalimbawa

Divine Direction

ARAW 5 NG 7

Maglingkod

Ang paglilingkod sa ibang tao ay hindi likas sa akin. Mapagsariling tao ako. Gusto ko yung pamamaraan ko. Hindi ko ipinagmamalaki iyan, ngunit sa kasamaang palad, ito ang totoo.


Hindi ako nag-iisa. Lahat tayo ay maaaring maging medyo mapagsarili. Likas sa mga taong maging makasarili. Isipin mo ito: hindi mo kailangang turuan ang batang maging makasarili. Ayon kay Jesus, ang buhay ay hindi tungkol sa atin, gayunman ang lahat sa ating kultura (kasama na ang isang tindahan ng burger) ay nagsasabing gawin natin ito sa paraan natin.


Ang isa sa pinakamabilis na paraan upang makalimutan ang Diyos ay ang mapatutok sa "sarili." Si Jesus ay direktang nagsabi sa mga taong nagnanais na sumunod sa Kanya. Sinabi Niya, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin." Mateo 16:24 RTPV05


Ang gusto ng Diyos ay makuha natin ito sa Kanyang pamamaraan. Hindi ito tungkol sa dagdag na karne, at walang gulay.


Pinag-uusapan na rin lang natin ang pagkain, nagbigay ng pahayag si Jesus na magpapatigil sa atin nang sandali sa susunod na bumili tayo ng burger natin. Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang pagkain ko...ay ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang ipinapagawa niya sa akin." Juan 4:34 RTPV05


Isipin mo na lamang na masasabi mo ito, "Ang pagkain ko ay ang paglingkuran ang Diyos. Ang pagkain ko ay ang bigyang-kaluguran Siya. Ang pagkain ko ay ang matapos ang gawaing ipinapagawa sa akin ng Diyos. Ang pagkain ko ay ang gawin ang kalooban ng aking Ama at tapusin ang Kanyang trabaho. Iyon ay ibang uri ng pagkain. Iyan ang pamumuhay nang may banal na pagpatnubay.


Kapag ang kultura natin ay sinasabing, "Punuin mo ang iyong sarili," sinasabi ng Diyos na punuin natin ang ibang tao.


Kapag ang mga tao sa ating paligid ay nagsasabing, "Kunin mo ang lahat ng makakaya mo. Ang lahat ay tungkol sa iyo," ang sinasabi ng Diyos ay mag-ambag sa halip na kumuha. Kapag ang sinasabi ng kultura natin ay, "Punuin mo ang sarili mo," sinasabi ng Diyos sa atin na punuin natin ang ibang tao. Hindi tayo nilikha ng Diyos na maging tagakuha. Nilikha Niya tayo upang maging tagabigay. Sa halip na tumuon tayo sa ating mga pagnanasa, tinawag tayo upang tumuon sa pangangailangan ng ibang tao. Sa halip na sumingit upang mapapunta tayo sa unahan ng linya, tinawag tayo upang maghintay sa dulo. Nilikha tayo ng Diyos na maglingkod.


Ang ganitong uri ng pamumuhay ay magbabago sa iyong kasaysayan.


Isipin mo ito. Ang mga kuwentong gustung-gusto mong alalahanin ay yaong mga kuwento noong tinulungan mo ang iyong kapitbahay, nakilahok ka sa gawain sa iglesia, o may ibinigay ka. Ito ay dahilan sa nilikha tayo upang maglingkod katulad ng ginawa ni Jesus sa mundo. Ang desisyon upang maglingkod ay maaaring hindi maging natural sa iyo. Hindi rin ito ganoon para sa akin dati. Ngunit napagtanto kong ang paglilingkod ay hindi isang bagay na ating ginagawa. Ang isang tagapaglingkod ay siyang pagkakatawag sa atin na maging tayo. Dahil kapag tayo ay naglilingkod, nagiging katulad tayo ni Cristo.


Manalangin: Diyos ko, paano mo ako tinatawag upang maglingkod? Kanino mo ako tinatawag upang maglingkod? Saan mo ako tinatawag upang maglingkod?


Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Divine Direction

Araw-araw, gumagawa tayo ng mga pagpiling huhubog sa ating talambuhay. Anong magiging hitsura ng buhay mo kung magiging dalubhasa ka sa paggawa ng mga pagpiling ito? Sa Gabay sa Bibliang Divine Direction, ang pinakamahus...

More

Malugod naming pinasasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya