Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na PatnubayHalimbawa

Divine Direction

ARAW 3 NG 7

Manatili

Maraming beses ko nang inisip kung gaano magiging iba ang buhay ko kung sumuko ako noong gusto kong gawin ito. Ang kasaysayan ko ay maaaring katulad nito, "Oo, iniisip ko dati na dapat akong maging pastor, pero sinubukan ko ito at walang nangyari. Ganoon lang talaga iyon."

Sigurado akong nakipagbaka ka sa ilang mga hamon sa iba't-ibang panahon ng buhay mo: isang amo na pakiramdam mo ay hindi mo na kayang pakisamahan ng kahit isang araw pa, isang relasyong bigla na lamang nakakasakit, isang pangarap na naubusan na ng paghuhugutan, isang pagkilos na hindi umabot sa iyong inaasahan. Kapag nahaharap ka sa mga paghihirap, natural lamang na pag-isipan mong muli ang mga desisyong malalaki at makapagpapabago ng iyong buhay. Maaaring magkaroon ka ng ganitong mga katanungan.


  • Makikipagsapalaran ba ako, iiwanan ko ang trabaho ko, at maghahanap ng iba?
  • Pagkatapos ng maling ginawa ng asawa ko—panahon na ba para magpatuloy sa buhay ko?
  • Talaga bang nauukol akong magpatakbo ng negosyo? Dapat bang tigilan ko na bago pa ito lumala?

Sa bawat isang halimbawa rito—at sa maraming mga pagpiling ginagawa natin sa buhay—nasa napakahalagang sanga ka sa iyong landas, at panahon na upang magdesisyon: dapat ba akong manatili o kailangan ko nang umalis?


Pinipili ko bang sumuko dahil ito ang tama o dahil tila mas madali na umalis na lang?

Madalas, ang pinakamagaling at tunay na kasiya-siyang desisyon na maaari mong gawin ay ang manatili sa daang tinatahak mo kahit na mas madaling tumalikod at lumayo na lamang. Hindi ko sinasabing hindi mo kailanman kakailanganing umalis. Ngunit bago ka magdesisyon, tanungin mo ang sarili mo, Sumusuko ba ako dahil ito ang tama o dahil mas madali ang umalis na lamang?" Kung minsan ang pinakadakilang gawa ng pananampalataya ay ang katapatan, ang pananatili kung saan ka itinanim. Ilang taon mula ngayon ay maaari kang lumingon at magpasalamat sa Diyos na nagdesisyon kang manatili kahit na mas madaling umalis na lamang.


Tandaan mo, ginawa ka ng Diyos na kawangis Niya at Siya ang may-akda at tagatapos ng iyong kasaysayan. Hindi ka isang taong sumusuko. Tatapusin mo ito.


Manalangin: Panginoon, mayroon ba akong anumang nilalayuan na nais mong doon ako manatili at tapusin ko ang anumang naroon? Maaari mo ba akong bigyan ng lakas upang magpatuloy? Amen.


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Divine Direction

Araw-araw, gumagawa tayo ng mga pagpiling huhubog sa ating talambuhay. Anong magiging hitsura ng buhay mo kung magiging dalubhasa ka sa paggawa ng mga pagpiling ito? Sa Gabay sa Bibliang Divine Direction, ang pinakamahus...

More

Malugod naming pinasasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Sa karagdagan pang kaalaman, maaring bisitahin ang: http://craiggroeschel.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya